Advertisers
Inaresto ang isang lalaking lango sa marijuana nang kasuhan ng simbahan ng Minor Basilica sa Taal, Batangas nitong Martes, Abril 8.
Ayon kay Police Capt. Rommel Magno, hepe ng Taal police, dinakip nila ang suspek na kinilala sa pangalan Angelo matapos itong sampahan ng kaso ng simbahan sa paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code (offending religious feelings).
Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek na gumamit siya ng marijuana para magkaroon ng lakas ng loob ang gagawin nitong pambabastos sa loob ng simbahan at intensyon sa sumikat sa social media.
Nagtagumpay si Angelo sa kanyang pagsikat at nakunan sa closed-circuit television camera at nai-post sa online ang pagpasok nito sa simbahan sakay ng motorsiklo angkas ang babaeng nobya nito 11:00 ng umaga noong Martes.
Makikita sa video, tuloy-tuloy na pumasok ang motorsiklo sa loob ng simbahan at huminto sa harap ng altar.
Nahiya ang babaeng angkas kaya umalis ito palabas ng simbahan habang si Angelo ay umakyat sa paanan ng Basilica saka nagawa pang mag-sign of the cross.
Umupo sa upuan ng pari si Angelo saka pumalakpak, at nagtaas ng paa. Nakita rin niyang pinadyak ang kanyang mga paa at umalis pagkatapos.