Advertisers

Advertisers

2 KFR victims natagpuang bangkay sa Rizal

0 11

Advertisers

Kinumpirma ni PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo na bangkay ng negosyanteng Chinese at drayber nito ang natagpuang nakasilid sa nylon bag at naka masking tape ang bunganga sa brgy. Macabud, Rodriguez Rizal.



Ayon kay Fajardo, sa kabila umano ito na nakapagbigay ng P100 milyon ransom money ang pamilya.

Kinumpirma ng PNP na ang negosyanteng si Anson Que at driver nito na si Armaine Pabillo ang 2 bangkay na natagpuan.

Sinabi pa ng pulisya, hindi ordonaryong kaso ang kidnapping.

Dagdag ni Fajardo na nakitaan ng mga pasa sa katawan at may indikasyon ng sakal ang 2 biktima.

Sinabi nya rin na kabilang sa anggulong iniimbestigahan ang pagkakasangkot ng negosyante sa POGO.

Ayaw namang magbigay ng dagdag detalye ni Fajardo sa kung bakit kinukonsidera ang anggulong may kaugnayan ito sa pogo.

Isang grupo naman ng Filipino citizen na may kasamang foreign national ang tinitingnan ng PNP na nasa likod ng krimen. (Edwin Moreno)