Advertisers

Advertisers

VLOGGER, MAY MAGAGAWA KAYA SA PAGKALAS NI SHAMCEY SUPSUP SA GRUPO NI MAYORALTY CANDIDATE SARAH DISCAYA?

0 40

Advertisers

Ni Edwin Moreno

Paano kaya sasalagin ng mga alagang vlogger at sosyal media ni mayoralty Candidate Sarah Discaya ang bumagsak na mabangong kandidatura nito?

Unang sumablay ang grupo ni Discaya sa malaswang “BIRO” at TILA hindi daw paggalang sa mga kababaihan ni Congressional candidate Atty. Ian Sia patungkol sa mga solo parents sa isang sortie sa Pasig City.



Ikalawa ang pormal na pagkalas ni councilor 1st district candidate Shamcey Supsup-Lee, ang iginagalang na Miss Universe Philippines.

Tinuran nito na ang kanyang pagkalas sa GRUPO o ‘Kaya THIS’ ay para pahalagahan ang karapatan ng isang babae at Ina at Miss Universe Philippines Organization.

Ayon pa kay Shamcey, pinili n’yang kumalas sa grupo nina Discaya at Atty. Sia, para manindigan sa dignidad at karapatan ng mga kababaihan.

Ikalawang problema na kumukulapol o nakasira sa kandidatura ni Discaya ay ang pagkondina ng iba’t -ibang sektor tulad ng Gabriela na PINUNA ang umano’y kabastusan ng Abogado.

Ayon sa grupo ni Clarice Palce, Secretary General ng Gabriela, hindi nila palalagpasin ang anumang pambabastos sa kababaihan gaya ng abogadong si Atty. Sia.



Hindi pa dito nagtatapos ang kalbaryo ng kandidatura ni Sarah, dahil naglabas pa ng show cause order ang Comelec para ipaliwnag ni Atty. Sia ang mahalay nitong BIRO sa solo parents at sinabi nitong katawan ng kanyang staff.

Agoyyyy!!!! sobrang kamalasan ito sa kandidatura ni Madam Discaya.

Ang tanong, may magagawa po kaya ang mga alagang vlogger ni Madam para ibangon ang pagbagsak ng kandidatura nito?

May silbi din po kaya madam ang milyong piso n’yong ginasta sa ilang pataba-eng alaga? Take note, nagtatanong lang po.

Bato-bato sa langit ang tamaan bukol!

Ang isang masakit sa lahat ay yong gumastos ka ng daan-daang libo sa mga taong akala mo kaya kang ipagtanggol sa oras ng kagipitan.

Ang tanong ngayon ng mga solid supporter’s ni Discaya, may silbi po ba yong kanyang mga kaibigang vlogger at sosyal media sa kaliwa’t kanang problema nito?

Ang isa pang dapat katakutan ni Discaya ang napipintong pagkalas pa ng isang showbiz personality na indorzer nito.

Abangan : may karugtong…