Advertisers
DETERMINADO si Charly Suarez na talunin si WBO super-featherweight champion Emmanuel Navarrete ng Mexico sa Pechanga Arena sa San Diego, California Mayo 10.
“It should be convincing,” Wika ng 36-year-old Suarez sa kanyang unang sabak sa world title.
Sumabak siya sa 2016 Rio Olympics, nakamit ang silver medal sa 2014 Asian Games at binulsa ang three gold medals sa Southeast Asian Games.
“I didn’t win a medal at the Olympics, so what I didn’t achieve there, I’ll get here. I won’t let myself not get it (title),”Sambit ni Suarez sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Suarez, na naging pro noong 2019, ay sinamahan ng kanyang manager,dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson, trainer Delfin Boholst, at team member Ricardo Navalta.
“It will be a big honor for our country if Charly wins the world title. My wish for him is to win at all cost. Charly should win by knockout or convincing,” Wika ni Singson, na nagbigay kay Suarez ng lugar na matuluyan sa Tagaytay City habang naghahanda para sa kanyang laban kontra 30-year-old Mexican, na hawak ang 39-2 rekord na may 32 knockouts.
Suarez, unbeaten sa 19 pro fights, ay sasabak para ipaghiganti ang natalo na kababayan Jhun Gemino, Glenn Porras, Juan Miguel Elorde at Jeo Santisima kay Navarrete.