Advertisers

Advertisers

Si Harry Roque ang utak sa ‘polvoron’ video ni PBBM

0 4,023

Advertisers

IBINUNYAG ng vlogger na si “Peebles” kung sino ang may gawa at utak ng pagpakalat ng ‘polvoron’ video o pagpalabas ng isang niretokeng video na si Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ay humihigop ng cocaine.

Sa House inquiry tungkol sa fake news, kungsaan pinatawag ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) vloggers, isiniwalat ni Peebles sa pagtatanong ni Congressman Romeo Acop ng Antipolo City na ang mastermind ng polvoron video ay walang iba kundi ang dating Presidential spokesperson ni Rody Duterte na si Atty. Harry Roque. Boom!!!

Ibinunyag pa ni Peebles na sinabi sa kanila ni Roque na kaya nitong pabagsakin si Pangulong Marcos, Jr.



Nang tanungin ni Acop si Peebles kung naniniwala ito Peebles na kaya nga bang pabagsakin ni Roque ang Marcos administration, sagot ng vlogger: “Hindi! Kasi nagtatago siya eh…”

Kung may katotohanan ang mga ibinunyag na ito ni Peebles, malamang na masampahan uli ng panibagong disbarment case si Roque sa Korte Suprema.

Si Roque ay may arrest warrant sa House of Representatives, matapos itong i-contempt dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig ukol sa kaso ng human trafficking sa POGO na kinasasangkutan niya.

Huling nakita si Roque sa The Hague, Netherlands nang dalawin niya si ex-President Duterte na nakakulong ngayon sa International Criminal Court (ICC) detention center simula Marso 11 dahil sa kasong “crimes against humanity’ kaugnay ng controversial na ‘war on drug’ ng nakaraang administrasyon kungsaan ayon sa human rights groups ay higit 30,000 ang pinaslang.

***



Nagpaalala si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga uniforned personnel na huwag sumunod sa mga utos na sa tingn nila ay “unconstitutional” o labag sa ating Saligang Batas.

Sus! anong kridibilidad ni Bato na magpaalala tungkol sa “unconstitutional” eh noong sila ang nasa poder ay nilubid at binaboy nila ang batas!

Makabubuti kay Bato na manahimik nalang, mag-concentrate nalang sa kanyang kampanya dahil nalaglag na siya sa ‘magic 12’ ng senatorial race. Mismo!

Ang malaking problema pa ngayon ni Bato, kaya hindi siya masyadong makapaglantad, ay ang posibleng paglabas ng ICC arrest warrant anytime, at dakmain siya ng Interpol kasama ang mga ahente ni CIDG Chief, Major General Nicolas Torre tulad ng nangyari sa kanyang “Tatay Digong”.

Ito ang sinasabi natin: Sa politika, weder weder lang. Kung ikaw ang nananakot noon, ikaw naman ang namamalahibo ngayon. Para hindi mangyari ito: Magpakabuti, gumawa ng tama kapag nasa puwesto. Mismo!!!

***

33 days nalang election na po! Maghahalal uli tayo ng mga mamumuno sa atin sa loob ng tatlong taon (para sa konsehal, mayor, sangguniang panlalawigan, gobernador, kongresista) at anim na taon para sa 12 senador.

Ang eleksyon ay itinakda ng ating Saligang Batas para makapagpili ang mamamayan ng maayos na lider, magpalit ng mga inutil na opisyal.

Kung ang reelectionist ay naramdaman ninyo ang kanyang maayos na pagserbisyo, botohan uli. Pero kung ito ay walang ginawa sa inyong lugar kundi ang magpayaman at mag-abuso, its time na palita sila sa Mayo 12.

Ang pagkaroon ng mabuting lider ay nasa mga kamay ng botante. Kaya magboto ng tama. God bless, Pilipinas!!!