Advertisers

Advertisers

Senior high grad timbog sa P13.6m shabu

0 10

Advertisers

Arestado ang isang senior high school  graduate na itinuturing na high value drug personalities nang makuhan ng P13. 6 million halaga ng shabu ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Calatrava, Negros Occidental.

Kinilala ang nadakip na si alias ‘Khent’, 23-anyos, senior high school graduate ng Barangay Suba, Calatrava Negros Occidental

Sa report, 10:45 ng gabi nang magsagaw ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng  PDEA RO6 Special Enforcement Team – Bravo (RSET-BRAVO),  PDEA Negros Occidental Provincial Office (NOCPO) at Calatrava Municipal Police Station ang nasabing operasyon sa Brgy Bantayan, Calatrava, Negros Occidental.



Nasamsam ng mga operatiba sa suspek ang dalawang vacuum-sealed na pakete ng shabu na may tinatayang kabuuang timbang na dalawang kilo. Ang nasabing droga may standard drug price na humigit-kumulang P13,600,000.00.

Bukod sa droga, narekober din ng mga awtoridad ang isang P1,000 bill at P100 bill na ginamit na  buy-bust money, at P2,000,100.00 na nakabalot sa cling wrap. Kabilang sa iba pang ebidensya na nakumpiska ang dalawang aluminum plastic pack, isang eco-bag, at brown paper bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Mark Obleada)