Advertisers

Advertisers

Municipal head coordinator ng PFP dinukot at pinatay

0 16

Advertisers

Natagpuan bangkay na ang dinukot na Municipal Head Coordinator ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa isang bakanteng sakahan sa sa bahagi ng Sitio Bagyang, Barangay Malangit sa bayan ng Pandag sa Maguindanao del Sur nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktina na si Modesto Delfinado Tamayo, Municipal Coordinator ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Sa ulat, tinangay ng mga armadong lalaki si Tamayo sa mismong bahay nito noong Lunes 6:10 ng gabi sa Purok Ragsak, Barangay Romualdez, President Quirino, Sultan Kudarat at natagpuang patay.



Kinumpirma ni Marlon Villa, tumatakbo bilang bise alkalde ng bayan sa ilalim ng PFP, na kasamahan nila ang biktimang si Tamayo. Ang PFP ang pambansang partidong pinamumunuan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa pahayag ni Villa, Lunes ng hapon nang huli silang nagkasama ng biktima sa pulong ng kanilang partido, bilang paghahanda sa halalan.

Aniya, 6:00 ng gabi nang makatanggap naman ito ng tawag mula sa pamilya ng biktima na dinukot umano ito ng mga lalaking sakay ng puting van.

Natagpuan si Tamayo na nakahandusay at walang buhay sa Pandag, Maguindanao del Sur.

Samantala, hustisya ang sinisigaw ng pamilya ni Tamayo.



Sa ibinahaging mensahe ng isa sa sa mga anak ng biktima, hindi nila lubos maisip na ito ang kahihinatnan ng kanilang ama dahil wala naman umano itong naging kaaway o nakaalitan.

Dagdag pa nito na tinorture ng mga suspek ang kanilang ama dahil halos hindi na makilala ang pagmumukha nito na puno ng pasa at maraming maliit na sugat mula sa isang maliit na patalim.

Isinalaysay din nito na labis na takot ang naidulot ng mga salarin sa kanilang pamilya dahil sa mismong harapan nilang mag-anak hinila at sapilitang isinakay ng mga armadong lalaki ang kanilang ama sa kulay puting van.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.