Advertisers
“We Ride For All”
Ito ang naging sigaw at pahayag ng mga motorcycle riders kabilang ang mga Move It sa ginawang meeting sa Towhall nf Sta. Mesa, Quezon City kamakailan.
Dito pinakita at ipinangako ng mga riders ang todo suporta nila sa Angkasangga Party-list upang ito ay maka-upo sa Kongreso at sila ay tunay na magkaroon ng boses at maasikaso ang mga kailangan mula sa gobyerno.
Sa tinaguriang “’Kalye Kasanggaan” session, taos-puso na nagpasalamat si Angkas CEO at Angkasangga Party-list 1st nominee George Royeca sa mga riders na nagtitiwala sa layunin ang magiging sentro ay para sa kapakanan ng mga riders sa buong bansa.
Nais ni Royeca na mas madami pa ang matulungan na mga riders na kung saan kasabay nito ay pagkakaroon ng tamang training ng mga riders para sa mga lulan o magiging pasahero nito. Nais din ni Royeca na magkaroon ng tamang benepisyo ang mga riders para sa kapakanan ng mga ito at ng kanilang mga pamilya.
“Salamat sa ating mg aka-gulong sa hanay ng Move It. Isa itong patunay na ang samahan na ito ay mag dignidad at sadyang magbibigay ng proteksyon sa ating mga kagulong bukod pa ang pag-usad ng maganda ng kanila buhay,” pahayag ni Royeca ng Angasangga Party-list na mayroong numerong 107 sa balota.
“Ang Angkasangga ay inyong magiging boses sa Kongreso. Ikaw man ay sa hangay ng Angkas, Move It, Grab, Joyride o ano man na plantform. Kami po ay inyong maasahan lalo na sa paghahatin ng mga batas na aakma para sa kapakanan ng lahat ng MC taxi riders sa buong bansa,” dagdag ni Royeca na nauna na din inindorso ni Gobernor Mayor Vilma Santos sa Batangas City.