Advertisers
Naaresto ng mga operatiba ng Caloocan City Police ang tinaguriang Most Wanted Person na may kaugnayan sa maraming bilang ng pamemeke o pagpalsipika ng mga dokumento sa lungsod.
Ayon kay Police Chief PCol. Edcille Canals, 12:30 ng hapon ng Martes ng isilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ang warrant of arrest sa bahay ng akusado sa Barangay 144, Bagong Barrio, Caloocan City.
Ang akusado 46-anyos na wanted sa four counts of Use of Falsified Documents, paglabag sa Article 172 of the Revised Penal Code na inisyu ni Honorable Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 120, Malabon City.
May inirekomendang piyansa na P144,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan(Beth Samson)