Advertisers
NABIGO umanong magbayad ng tamang buwis ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa lungsod ng Pasay hinggil sa naganap na bentahan ng isa sa kanyang pag-aari kaya’t ‘hinahabol’ siya ngayon ng
Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region No. 88 -South NCR Revenue District Office No. 051, sa Pasay City.
Sa ipinadalang ‘ notice to comply’ ng BIR na may petsang Enero 31, 2025, ang kanilang paghahabol kay Manguerra ay matapos na humiling ito sa ahensya na magpalabas ng electronic-Certificate Authorizing Registration (e-CAR) sa ilalim OTS Nos. OTS-0088-051-0125-06832, OTS-0088-051-0125-06833 at OTS-0088-051-0125-06833 na bahagi ng isang dead of absolute sale na hinawakan ni Revenue officer C. Nofies.
Ayon kay Revenue District Officer Mary Ann V. Canare, lumalabas sa kanilang record na naitalang si Manguerra umano ang nag-iisang may-ari ng SYT Apartment at VTSO Builders na pasok sa negosyo ng real estate.
Bukod kay Manguerra, hinahabol din ng BIR si Ms. Yok Tin Tan So na siya umanong involved sa Wowee Market. Naniniwala ang BIR na matapos na mabenta ang mga naturang ari-arian na maituturing isang investment at bahagi ng kanilang ari-arian kung kaya’t nakapaloob ito sa Expanded-Withdolding Tax.
Ipinag-utos din ng BIR sa dalawa na magpalabas ng kopya ng Sales Invoice (SI) sa buyer batay na rin sa Gross Selling Price na inoobliga ng Section 4. 106-4, sa ilalim ng Revenue Regulation 16-2005 kaugnay ng Section 264.
Iginiit ni Canare ang kabiguang magkaloob ng resibo o sales o commercial invoices ay maliwanag na paglabag sa pag-imprenta ng resibo o invoices at iba pang paglabag ng NIRC ng 1997.
Binigyang-linaw ni Canare na bagamat hindi kondisyon bilang precedent ang VAT ay binibigyan lamang sina Manguerra at So ng limang araw na magsumite ng mga dokumentong hinihingi ng BIR. Nanindigan si Canare na sa sandaling mabigo ang mga ito na maisumite ay hindi nila ipoproseso ang hinihinging e-CAR.
Bukas at sisikapin ng pahayagang ito na makuha ang panig nina Manguera at So. (JOJO SADIWA)