Advertisers

Advertisers

KYLIE MASAYA SA RELASYON NG EX-DYOWANG SI JAKE AT CHIE

0 15

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGKITA sa ABS-CBN Ball 2025 sina Kylie Verzosa, Chie Filomeno at Jake Cuenca.

Katunayan nakunan pa ng larawan ang tatlong celebrities.



Ang former international beauty queen Kylie ang ex girlfriend ng actor at current niya ang dancer-sexy actress na si Chie.

Sa Instagram Page ni Filomeno ay may komento si Verzosa.

Aniya sa comment sections: “Happy for you guys.”

Nagreply naman si Chie, “Thank you Kylie! Happy for you as well”

May komento rin si Congressman Miguelito (role ni Jake sa Batang Quiapo), “luckiest at the ball right here.”



Ang post ni Kylie sa couple ay panalo sa mga netizens.

Meaning, naka-move on na silang pareho ng ex na nagkarelasyon sa loob ng tatlong taon.

Netizens have been showering Kylie with praise after her genuine reaction to photos of her ex-boyfriend, Jake Cuenca, and actress Chie Filomeno at the recently concluded ABS-CBN Ball 2025.

***

Nang dahil kay Kathryn
DANIEL, RICHARD, KYLE AT JK TIKOM ANG BIBIG SA BUGBUGAN ISYU

MAY akusasyong nagbugbugan umano sina Daniel Padilla at Kyle Echarri at involved din daw sina Richard Gutierrez at JK Labajo.

May rumor na pagkatapos ng annual ABS-CBN Ball, may insidenteng nangyari umano sa dalawang aktor — Daniel at Kyle.

Hindi umano nagustuhan ni Daniel ang paghipo-hipo ng young actor sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Sa video na kumakalat sa online ay makikitang magkasama ang aktres at si Kyle sa after-party ng ABS-CBN Ball.

Tanging mga non-showbiz attendees ng after-party ang nag-uusap about the alleged incident.

At may involved din daw na ibang celebrity at lumabas nga ang name nina Richard at JK.

Ang una ay sa side ni DJ at ang singer naman ay kay Kyle.

May ibinahagi naman sa X ang social media personality na si @AltIndayBadiday, a gif showing a fight scene a day after the ABS-CBN Ball.

Sa comment section, ang mention ng netizens ay “bugbugan” incident.

May post din umano ang ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe na “GRABE” na binahagi rin niya X on the night of April 4.

Sa fanpage naman ni Kathryn ay may shared that Daniel and Kyle almost had a fight because, allegedly, the latter got angry with what Kyle was doing to the actress.

May alegasyong dinepensahan ni JK ang kaibigang si Kyle while Richard defended Daniel. Sa ngayon ay wala pang nagsasalita sa apat na actor na sangkot sa isyu.

***

MGA KAIBIGAN NI KATH GEN Z NA

MAY nagpapakalat lang umano ng masamang balita hinggil kay Kyle Echarri.

Sey ng netizens bakit daw magkasamang umalis sa after party ng ABS-CBN Ball sina JK Labajo, DonBelle, Kyle, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.

Anila: “May nagpapakalat ng maling story about kay kyle. If ginawa ni kyle kay Kathryn yun bat sila umalis magkakasama. Kila Daniel ang issue jan.”

“Kasi nga diba touchy raw si Kyle kay Kath kaya biglang to the rescue yung isa e bat sasama si Kath kay Kyle if ganun nangyari. Not that dapat sasama si Kath kay DJ ang ibig sabihin ng orig comment.”

“malamang kath is an adult that can decide for herself bat naman sya sasama sa EX nya at sa NAMBASTOS daw sa kanya DB”

“Kasi kung may foul na ginawa si Kyle, bakit kasama pa rin siya ni Kathryn at nakaalalay siya? Sa video kasama din nila yung gf ni JK, Star Magic manager, yung isang road manager ni Kathryn & yung nasa side, si Ms. Dolly de Leon! Lately kasi super close ni Kyle kay Kath. Check nyo IG ni Kathryn, yung nasa boat sila ni Ms. Dolly, Rambo Nunez Maymay etc…nandun si Kyle!”

“Well if base nyo sa video c kyle ang kasama ni kath meaning to say hinde totoo na super touchy sya eh di sana nilayuan nya. Malamang may nagselos na ex na yung simpleng harutan ng magkaibigan minasama ng ex na laos

“waiting for other versions. parang hindi ako makapaniwala na bastusin ni Kyle si Kathryn, and that Kath allows it. Also, bakit magpapatulong si DJ kay Gutz, eh kaya naman niya talunin si Kyle na siya lang. there could be another angle to this story. si Andrea, maaga din umalis”

“touchy daw si kyle. daw. if true, dapat wala ng pakialamanan kasi mag-ex na nga sila. kulit din ni daniel eh.

and kaya daw nasama sa eksena si richard kasi nauna sumali si jk para ibackup si kyle, so sumali na rin siya for daniel naman. ang gulo”

“Parang ginagawan lang ng issue para umingay ang event”

“Kathryn said “Tama Na”

“Masyado ba malamya ang ball para gamitin ang kathniel? ka cheapan na issue eh dami video naglalabasan pero walang kathniel na magkasama labas evidence muna.”

“Hindi malamya ang ball. Puro happy vibes nga eh. Kath-Nadine posing together, Angelica-Heart reunion, Kapuso stars attending the event, etc. Nakakalungkot lang na meron palang muntik ng magsuntukan (kung totoo).”

“May somehing sa tapik ni Piolo kay Kylie at pagkakasabi ni Kathryn ng tama na.”

‘obviously may kinalagyan ang pagiging malandi and friendly friendly ni kyle this time hahahaha”