Advertisers
Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang isang barangay chairman na kandidato sa pagka-municipal councilor sa bayan ng Pitogo sa Zamboanga del Sur nang pagbabarilin nitong Lunes ng gabi, April 8, 2025.
Kinilala ang biktima na si Falconeri Buton, barangay kapitan sa Upper Panikiian sa Pitogo.
Sa pinagbabaril si Buton at kanyang dalawang mga kasama ng mga armadong kalalakihan na nakaabang sa gilid ng kalye sa isang lugar sa naturang bayan.
Ayon sa mga inisyal na ulat, sugatan din ang dalawang mga kasama ni Buton, nguni’t hindi naman malala.
Ilang mga local executives ang nagkumpirma ng naturang insidente na iniimbestigahan na ng mga kasapi ng Pitogo Municipal Police Station.
Hindi pa matukoy kung politically-motivated ang pag-ambush kina Buton at dalawang niyang mga kasamahan.