Advertisers
NANAWAGAN ang mga residente sa lokal na pamahalaan ng Occidental Mindoro na imbestigahan ang ulat ukol sa dredging at paghahakot ng tone-toneladang buhangin na dinadala umanonsa ibang bansa.
“Illegal mining and logging have been the default fall guys everytime floods strike, and orders of probe follows,” text ng isang residente na nagsabi pang “soon after, nothing is heard.”
Sinabi niya sa pitak na ito na nais niyang matigil ang masamang gawain dahil may malaking problema na ayaw pag-usapan – ang malakihan at bulto-bultong paghuhukay ng lupa o buhangin na ipinadala sa China at mga kalapit pang bansa tulad ng Hong Kong.
“The question is what has been done? Shall we wait for another disaster to again look into illegal mining and logging?”, ayon sa texter.
Sinabi rin niya na ang pag-i-export ng milyon milyong metro kubiko ng buhangin o blacksand sa malalaking imprastraktura sa mga kalapit na bansa ang wawasak sa baybaying dagat at dalampasigan ng Occidental Mindoro.
“We call on Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano to look into reports of massive black sand mining for export in the province,” saad ng nagrereklamong mamamayan sa pamamagitan ng text message.
Nanawagan din siya kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na imbestigahan at aksyunan ang dredging operation at black sand mining sa nasabing probinsya.
Malaking palaisipan din sa kanya kung bakit hinahayaan ni Governor Gadiano ang paghuhukay at paghahakot ng tone-toneladang buhangin o blacksand ang mga malalaking barko sa mga baybayin dagat ng naturang lalawigan.
Abay dapat lang na maglabas agad ng “Cease and Desist Order” ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 4B laban sa mga hindi mabatid na kumpanya ng mga barkong naghahakot ng buhangin na walang mga kaukulang permiso mula sa pamahalaang panlalawigan, Department of Environmental and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) tulad ng transport permit, dredging plan at dredging permit kung totoo nga bang legal ang ginawang pag-sipsip at paghahakot ng buhangin ng mga malalaking barko na dinadala diumano sa ibang bansa.
Saganang akin, malinaw na hindi pinag-aralan ng provincial government ang masamang epekto ng paghuhukay sa mga baybaying dagat at dalampasigan ng Occidental Mindoro.
Malaki din ang hinala ng mga mindoreño na hindi dredging operation ang ginagawa ng mga malalaking barko kundi “black sand mining” na ibinibenta nang mahal sa bansang China at Hong Kong.
Ayon sa reklamo milyon-milyong dolyares ang nakapaloob sa dredging operation na posible umanong umabot sa halagang $50 milyon?
Kapag ganoon kalaki ang pinag-uusapang halaga ay posibleng may mga opisyal na kumikita ng limpak – limpak na salapi dito.
Ayon pa sa mga residente, hindi sila kayang palusutan ng mga taong nanunungkulan dahil kitang-kita sa video ang pagsipsip ng malaking tubo ng mga barkong pag-aari diumano ng Chinese Company.
Isa nga namang kalokohan na papayag ang provincial government, DENR, DOTr at DPWH na mag-dredging nang libre na walang kikitain?
Tutukan natin ito!