Advertisers

Advertisers

‘DIGONG MAHIRAP NANG MAIBALIK SA BANSA’

0 17

Advertisers

TAHASANG inamin ng kampo ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte na mahirap nang maibalik sa Pilipinas ang dating pangulo buhat ng madetine sa ibang bansa.

Kung saan inamin mismo ng isa sa mga abogado nito na kasama sa mga naghain ng writ of habeas corpus ni Kitty Duterte para sa kanyang ama na hindi ganun kadali ang kinakaharap na sitwasyon.

Ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., counsel for the petitioner, sinabi niyang mahirap ng matupad ang hiling ng kanilang panig lalo pa’t nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) ang dating pangulo.



Ngunit iginiit naman ng naturang abogado na hindi importante sa kanila kung mahirap o madali man ang pagdadaanang proseso bagkus naniniwala itong mas mahalaga na kilalanin ng Korte Suprema ang kanilang petisyon at sabihin nitong iligal nga ang pagkakaaresto sa dating pangulo.

Bagama’t ipinaliwanag ni Atty. Panelo Jr. na walang hurisdiksyon ang Korte Suprema sa International Criminal Court, aniya’y may kapangyarihan naman raw ito na utusan ang gobyerno na siyang magbalik at iprisenta sa hukom si Former President Duterte.

Gayunpaman, kung sakali mang hindi katigan ng pinakamataas na hukom ang kanilang petisyon, aniya’y pawang lumalabas na pinahihintulutan lamang ng Korte Suprema na maulit pang muli ang pinaniniwalaan nilang iligal na pagkakaaresto sa dating pangulo.