Advertisers
IMPRESSIVE ang performance ng SCHOOL DIVISION OFFICE (SDO) MANDALUYONG TEAM DANCESPORT sa nagdaang NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) PALARO 2025 kung saan nagbulsa sila ng 18 gold medals at 6 silver awards para sa elementary and high school in various categories, kabilang ang Standard at Latin dances.
Lalong ginaganahan ang young athletes at coaches plus families ng mga manlalaro. Kudos sa teamwork nina SGOD Chief REX A. ADO, EPS in MAPEH LEONRDO A. MIRANDA, JR, ISAAC LOPEZ INTEGRATED SCHOOL (ILIS) Principal ERICK C. MENDIOLA, at DONA BASILISA YANGCO ELEMENTARY SCHOOL Principal ROXANNE VILLANUEVA. Your team effort inspiringly pays off. More awards to come!
Exciting ang NCR PALARO na nagpapakita at sumusuporta sa grassroot sports, humuhubog sa talento at kakayahan ng young athletes mula sa iba-ibang panig ng bansa na lumalahok sa maraming Sports events. Agaw-atensyon na talaga ang pag-ariba ng Dancesport sa Pinas. SALUTE!
Honestly speaking, may special touch ang Dancesport sa spectators, local o international presentation man ay nagpapakita ng artistic moves at strength sa larangan ng pagsayaw sa sporty movement.
Kaabang-abang ang pag-excel ng sinumang Dancesport stars na papalakpakan at kikilalanin sa Sports field na ito tulad ni Golf champion CELINE ABALOS, Mandaluyong pride na may bago na namang award, from her successive titles ngayong March 2025. Congrats again for your championship title sa recent US KIDS GOLF SPRING TOUR 2025 GIRLS, 15-18. At the raw age of 15, your golden dreams continuously strike! SO INSPIRING!
LFIS CABANATUAN,
SUSULONG PA SA SPORTS
HUMIHIRIT din sa Dancesport ang LAZARO FRANCISCO INTEGRATED SCHOOL (LFIS) led by SDO Cabanatuan Schools District Supervisor CATALINA P. PAEZ. Bida ang Dancesport Latin Champions ng LFIS na official representatives sa CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION (CLARAA), with Mam ASSUNTA ATIENZA. Ang LFIS Gymnasium ay regular venue ng trainings, practice at exhibitions/contests ng LFIS (dating WEST CENTRAL SCHOOL).
Matatapos na ang 4-storey building for 28 classrooms ng High School sa LFIS grounds, at ang 4-storey high school building na gamit ngayon ay idadagdag sa elementary level, proyekto ni Mayor MYCA VERGARA, supported by VM JAY and Cong. RIA VERGARA. Inaasahan ang pagsulong pa ng Sports sa LFIS sa pagbubukas ng bagong building. Bongga! Sana all!
By the way, as per sources, marami pang projects- in- line ang ilulunsad sa LFIS kabilang ang Journalism through the effort of Principal MARRJORIE LAZATIN. Hindi lang sure if may isusulong pang top Sports fields like basketball and volleyball. Remember, NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS (NERV) is champion in MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL).
APRIL HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to fellow Sports scribes TESSA JAZMINES and NYMPHA MIANO ANG, to GISSELLE RIVERA ALEJO magof Pugad Lawin High School, Q.C, to RENZ SANTOS TALA of Pampanga, Ms. IRENE LABITAD of Cagayan de Oro / Mandaluyong City and ROWENA R. SANTOS (LFIS). Best blessings be with you all. HAPPY READING!