Advertisers
‘DI na kinakagat ng ating mga kababayan, lalo na ng ating mga magsasaka, at mga katutubo o’ indigenous people (IP) ang pagngangawa ng CPP-NPA-NDF na todo ang militarisasyon sa mga kanayunan.
Nag-moved on na, ika nga ang mga dati ay sumusuporta pa sa mga mapanggulong mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Eh paano nga? Wala namang napala sa kanilang mapanglinlang na panghihikayat ang taong bayan, lalo lamang nasadlak sa kahirapan.
Sa totoo lang, deadma na ang ating mga kababayan sa patutsada nitong mga CPP-NPA-NDF, di dahil sa natatakot ang mga ito, kung di nais lamang nila na mapairal na ang kapayapaan, ang katatagan at kaunlaran sa kanilang mga lugar.
Mas gusto ng ating mga kababayan na makipagtulungan sa pamahalaan, sa ating mga kawal, upang magkaroon ng kapanatagan.
Yaon ngang pag-obserba nila ng ika-56 taon ng NPA eh wala nang dating. Nga-Nga ang CPP na dati ay ipinagmamalaki ang event na ito.
Paano kasi, ang NPA ngayon wasak na. Luray, kakaunti na, at higit sa lahat, mga gutom, pagod, at kung maaari lamang, ay magsisisuko na.
Sa kabila ng ganyang sitwasyon, ang CPP naman ay umaatungal pa na kaya pa nilang paramihin uli ang kanilang puwersa. Paano naman nila ito gagawin, eh ang mga mandirigma nga nilang NPA eh halos gusto nang magsisuko sa hirap na dinadanas nila sa kakatago.
Ang di matanggap ng CPP-NPA-NDF ay ang matagumpay na pagpapakita ng tunay na malasakit ng pamahalaan sa ating mga kababayan sa kanayunan, sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ang pinaka-magandang dapat gawin ng CPP-NPA-NDF ay maki-isa na lamang sa NTF-ELCAC. Sa ganyang paraan, sigurado ako, matutuwa pa ang karamihan.