Advertisers

Advertisers

Coco nagbigay ng mensahe sa mga bagong artista; Dennis masaya na nakasama na ang mga anak kay Marjorie

0 30

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DUMALO si Coco Martin sa Inding-Indie Film Festival, na ginanap noong Lunes ng hapon, dahil pinarangalan siya bilang Pinakapaboritong Artista ng Masang Pilipino, at ang teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsiyano ay tumanggap din ng pagkilala bilang Best TV show.

Sa kanyang acceptance speech ay nagbalik-tanaw si Coco.



Ayon sa kanya, napakahaba na raw ng kanyang paglalakbay sa career. Hindi raw niya inakala na mararating niya kung nasaan man siya ngayon dahil nung nagsisimula pa lamang siya ay hindi naman daw niya pinangarap maging artista. Gusto lamang daw niya magkaroon ng simpleng buhay, magkaroon ng regular na trabaho para sa pamilya niya. At sa lahat daw ng pinagdaanan niyang sermon, mura, galit ay hindi raw niya makakalimutan. Lahat daw ng pinagdaanan ng mga baguhang artista ay pinagdaanan niya.

Nagbigay din ng mensahe si Coco sa mga baguhang artista na naroon sa nasabing event. Sabi niya ay huwag na huwag susuko sa kanilang mga pangarap. Kasi raw, kung sumuko siya noon ay wala raw siya kung kung nasaan siya ngayon.

Sey pa ng aktor, hindi daw madali ang kanilang trabaho bilang artista.

Dahil malapit na ang eleksyon, at marami rin namang artista ang nakaupo sa gobyerno, humingi ng tulong si Coco na sanay suportahan ng pamahalaan ang movie industry para umangat. Malaki kasi ang panghihinayang ng aktor sa talento ng Pilipinong artista.

Ang inding indie Film Festival ay binuo ng producer, director at talent manager na si na Ryan Manuel Favis.



***

ISANG masayang larawan kasama ang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leo Barretto ang ibinahagi ni Dennis Padilla sa kaniyang Instagram kamakailan lamang.

Sa wakas nga ay natupad na ang matagal nang pangarap ng komedyante na makasama ang mga anak na sa mahabang panahon ay napagkait sa kaniya.

Kasama rin sa larawan ang ina ni Dennis at lola ng tatlo na si Catalina Baldivia.

Ang maiksing mensahe ni Dennis: “Miss you mga anak [heart, rose, praying hands emojis]”

Sa isang larawan ay may kuha naman si Dennis at anak na si Leon na kaka-celebrate lamang ng kaniyang kaarawan. Binati ito ni Dennis at sa comment section at nagpasalamat si Leon sa ama.

Magandang kaganapan ito para kay Dennis lalo na’t tumatakbo ito bilang konsehal sa 2nd district ng Caloocan.

Nagpaabot naman ng kagalakan ang mga kaibigan ni Dennis sa showbiz, maging ang mga ordinarying netizens na nasubaybayan din ang mahabang hinaing nito na makasama ang mga anak.

Sabi ng isa “This makes my mama heart so happy..I would not want my kids to isolate their dad no matter what he did..so this is such a great development. Sana Tuloy Tuloy na ang good relationship nyo po.god bless you”

Matatandaang mula nang maghiwalay sina Dennis at Marjorie noong 2007 ay sa puder na ng aktres lumaki ang mga anak hanggang sa magkaroon na rin sila ng kani kanilang buhay ni Dennis. Pero sa maraming pagkakataon ay binabahagi na noon ni Dennis ang sobramg pagka-miss sa mga anak na hindi na niya masyadong nakakasama.