Advertisers
NADEPENSAHAN ni Jhonn Marc Dizon ng Central Visayas ang men’s 3,000 meters steeplechase title sa Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games sa Cagayan Sports Complex track and field stadium sa Tuguegarao.
Naorasan siya ng 10 minutes at 0.9 seconds para talunin si Jay Moreto ng Western Visayas (10.08.9) at Francis Michael Pueblo ng Western Visayas (10.14.8)
“I focused my training on the 3000m steeplechase because I know for myself that I’m good at this event,” Wika ng 22-year-old Special Education student sa University of San Carlos sa Cebu.
Dizon ay fourth placed nang magdebut sa 2023 edition sa Zamboanga City.
Susubukan niyang mapanateli ang 10000m run title sa Biyernes laban sa tough field na kabilang ang kapwa Cebuano Mark Mahinay, na napanateli rin ang kanyang 5000m crown Lunes.
“I expect a strong challenge but I came prepared. I just hope to perform well,” tugon ni Dizon.
Pagkatapos ng PRISAA National Games, lalahok siya sa Philippine Open na nakatakda sa Mayo 1 hanggang 4 sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Nangibabaw rin si Dizon sa Cebu leg ng 7-eleven 21-kilometer marathon noong Pebrero para kumita ng slot sa national team na sasabak sa Pattaya, Thailand sa Hulyo.
Samantala, Ken Ryzen Herrera ng Cordillera Administrative Region (CAR) nagwagi sa 3000m steeplechase gold medal sa boys’ division.
Herrera ay nagrehistro ng 10.30.5 para magwagi kontra Clark Andrew Samar ng Bicol Region (10.34.2)