Advertisers
Ni Archie Liao
SA edad na 30, masasabing isang achiever na ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Bukod sa flourishing showbiz career, isa ring matagumpay na entrepreneur si David.
Maliban sa restos at construction business, meron ding product line na ini-endorso ang aktor.
Katunayan, sa isang panayam noon ay inamin ng Kapuso actor na sa loob ng isang taon ay kumita siya ng P50 milyon sa kanyang mga negosyo.
Sa tsikahan naman nila ni Toni Gonzaga sa vlog nito, natanong si David tungkol sa kanyang entrepreneurial skills.
Aniya, matipid daw talaga siya kaya nakakaipon siya.
Di raw siya into luxury brands at pinag-iisipan muna niya bago bumili.
Pati raw sa business decisions, bago siya mag-decide ay maingat niyang pinag-aaralan.
Nang matanong naman siya ni Toni tungkol sa kanyang lovelife, sinabi niya na mas preferred daw niya na non-showbiz ang next niyang magiging nobya.
Gayunpaman, never daw naman niyang isinasara na puwede rin siyang ma-in love sa isang babaeng taga-showbiz.
Maliban sa maganda, bet din daw niya sa isang girl ang chinita pero iyong tipong hilaw na Chinita.
Bet din daw niya ang maputi, nice at understanding na nauunawaan ang kanyang trabaho na posibleng matagpuan niya sa showbiz.
Sey pa niya, hinahanap din daw niya sa prospective girlfriend iyong ghurl o someone who’s in touch in life.
Esplika niya, ang bebot daw na ‘in touch in life’ para sa kanya ay iyong assertive na hindi laging nasa phone o social media pero may sariling pag-iisip at walang paki sa mundo o sasabihin ng ibang tao.
Sey naman ng kibitzers, itong mga qualities na peg niya sa dyodyowain ay tinataglay ng kanyang love team partner na si Barbie Forteza.
Sa nasabing interview, hindi rin niya ikinaila na may pressure sa tambalan nila ni Barbie sa kasalukuyan lalo pa’t pareho silang single.
Marami raw kasing shippers na nirereto sila lalo na iyong kafaneyan na wish na magkatuluyan sila.
Pero, tulad ni Barbie, mas bet daw muna niyang magpokus sa kanyang karera.
Careerwise, gusto rin daw muna niyang maging established actor dahil kung mag-aasawa nga naman siya ay masasayang ang mga oportunidad na pinagsikapan din niya.