Advertisers
Arestado ang isang security guard nang holdapin ang front desk officer ng pinagtatrabahuhan niyang hotel sa Barangay Capitol Site, Cebu City.
Kinilala ang suspek na si Vernor Patria, 28-anyos.
Imbes na sumuko si Patria, nakipaghabulan at nanlaban sa mga pulis.
Nakorner ang suspek sa bahagi ng Osmeña Boulevard pero sinubukan pang saksakin ang mga pulis dahilan para barilin ito sa hita 12:30 ng hatinggabi nitong Martes, Abril 8.
Sa kasamaang-palad, tumalbog ang bala at tinamaan sa braso ang isang pulis.
Dinala sa ospital ang dalawang tinamaan ng bala.