Advertisers
NAKATAKDANG sumabak ang Filipino tennis ace Alex Eala sa French Open na magsisimula sa Mayo 25 hanggang Hunyo 8.
“Of course, I’m excited for the Grand Slams ahead, Roland Garros,” Wika ng 19-year-old Eala.
“I know that I will be in the main draw. So I’m very excited about that. My first time to be in the main draw. So it’s a new experience and everything to gain.”
A three-time champ sa juniors Grand Slam division,isa sa singles at dalawa sa doubles, Eala ay ilang beses rin nabigo na makapasok sa seniors division ng Grand Slam events, at na lalaglag sa qualifiers.
Nagbago ang lahat ng bagay kay Eala matapos ang makasaysayang semifinals run sa Miami Open kung saan tinalo niya ang tatlong Grand Slam winners, at umangat mula sa 140th to 75th sa WTA rankings.
Sa huling rankings Lunes. Eala ay umakyat ng dalawang baitang para sa bagong career-best ranking na 73rd.
Bilang miyembro ng top 100 players,Eala ay nakakuha ng direct entry sa Grand Slam events, hindi na kailangan dumaan sa main draw sa pamamagitan ng qualifiers.
Bukod sa Roland Garros,Eala ay lalahok rin sa Wimbledon sa Hunyo at US Open sa Agosto.
Bago ang French Open, Eala ay sasabak muna sa Oeiras Ladies Open sa Portugal mula Abril 14 hanggang 20 at ang Mutua Madrid Open sa Spain mula Abril 22 hanggang Mayo 4.