Advertisers

Advertisers

SEN. PACMAN BAYARAN MO NAMAN!

0 11

Advertisers

SALUDO ang korner na ito sa ating boxing icon Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa kanyang ambag na karangalan sa bansa.

Ang sobrang yaman ng dating Senador ay nakuha lang naman niya sa. pakikipagbasagam ng mukha sa mga dayuhang kalaban di tulad ng ibang pulitiko na yumaman nang husto dahil sa pakapàlan ng mukha sa pandarambong ng kaban ng bayan.

Bukod sa boxing, mahilig ding maglaro ng basketball ang pambansang kamao,gayundin sa billiards, chess, darts at card games. Singer, guitarist at malapit sa puso niya ang sining o arts.



Minsang na-guest si Pacman sa isang màlaking event ng Philippine Sports Commission (PSC)na ating beat as reporter noon,sa kalagitnaan ng question and answer portion ay iginuhit ko siya on the spot.

Natuwa ang ating kampeon sa dibuho lalo na’t ala naman bayad.

May isang artwork ang Uppercut sa YouTube channel na siya ang bida.

Pinadala ko sa isang chess player na si Panopski (kalaruan sa chess ni champ sa kanyang bahay sa high end subdivision sa Makati City).

Balita sa kin ni Panops, laking tuwa daw ni buhay na alamat pero wala namang ibinigay na kunswelo man lang (o nabulsa lang ni yudelehihi?)



Early last year nag-krus ang landas namin ni MP sa presscon ng suportado niyang volleyball pro – league event sa Resorts World kung saan ay siya ang panauhin pandangal.

Pagkatapos ng Q&A at interview ay ipinagmalaki ko ang aking mural painting sa aking mobile post na nasa bahay ko saTarlac na siya mismo ang subject ng obra.

Hanga siya sa ganda ng piyesa at sinabi niya mismo. sa akin na gawaan ko siya ng parehong painting na idispley nya sa haybol nya.

That time sinabi ko sa kanya ang presyo ng obra para sa kanya na agad naman siyang umoo then inatasan ang kanyang kanang- kamay na si Cris na makipag-ugnayan sa “kin.

Aking nireproduce ang painting na pinagtuunan ko nang mahabang oras para detalyado at pulido.

Lagi kong nireremind si Cris na papatapos na ang piyesa at kung saan ko idideliver. Di naman siya reply agad at pag sumagot ay out of town.

Natengga ang painting .Lumipas ang mga buwan ay di ko natyempuhan si Pacman.Alam ng korner na ito na busy ang pambansang kamao lalo na ngayong kandidato siya uli pagka-Senador.

Magku-krus muli ang aming landas.Sana that time ay tumupad na siya sa kanyang palabra de honor.

Ayusin mo na señor Manny, dami ka naman money…

ABANGAN!

LOWCUT- Special shoutout sa ating suki na araw-araw ay may kopya ng ating pahayagan na si SG Vhergel Divina ng Mc Donalds Libertad. Mabuhay ka!