Advertisers

Advertisers

Pati si ‘Magellan’ at mga ‘Ewan’ nasa confi list ni VP Sara

0 4,118

Advertisers

PATI sina “Magellan”, “Fiona” at mga taong may apilyedong “Ewan” ay nadiskubre sa listahan ng confidential funds reciepients ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Oo! ang listahan ng “non-existent” recipients ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) ay patuloy na lumalaki, sa puntong ito ay maraming “Fionas”, “Magellan” at mga taong may apilyedong “Ewan” ang nadiskubre sa listahan.

Ibinunyag ito ni House Deputy Majority Leader at La Union Representative Paolo Ortega V, kaya lalong lumaki aniya ang pagdududa nila sa “authenticity of government disbursements”.



Narito ang mga bagong kuwestiyunableng pangalan sa secret fund list recipients ni VP Sara: Honeylet Camille Sy, Feonna Biong, Feonna Villegas, Fiona Ranitez, Ellen Magellan, Erwin Q. Ewan, Gary Tanada at Joel Linangan.

Ayin kay Ortega, ang Honeylet Camille Sy, Feonna Biong, Feonna Villegas, at Joel Linangan ay nakatala bilang umano’y beneficiaries ng P500-million confi funds ng OVP, habang ang Fiona Ranitez, Erwin Q. Ewan, Ellen Magellan, at Gary Tanada ay nakatanggap ng bahagi ng P112.5-million CF ng DepEd.

Ang mga pangalang ito ay walang rekord or walang official birth, marriage, at death records sa Philippine Statistics Authority (PSA), pero ang mga pangalang ito ay nasa listahan na isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit (COA). Tsk tsk tsk…

“This is not funny anymore; they repeatedly use fake names they seem to get from movies and showbiz,” diin ni Ortega.

“We are talking about public funds here. If they cannot present evidence that these are real people then this will be strong evidence against VP Sara Duterte’s impeachment trial.”



Bago ito, isiniwalat ni Ortega ang mga kahina-hinalang pangalan na tinawag niyang “Team Grocery” tulad ng “Beverly Claire Pampano”, Mico Harina, Sala Casim o “kasim”, Patty Ting, Ralph Josh Bacon.

Nauna nang nadiskubre ang mga pangalang Mary Grace Piattos, Renan Piatos, Pia Piatos-Lim, Xiaome Ocho, Jay Kamote, Miggy Mango, Amoy Liu, Fernan Amuy, at Joug De Asim.

Matatandaan noong December 2024, nagsumite ang House committee on good government and public accountability ng 1,992 individuals sa sangkot sa maling paggamit ng OVP confidential funds.

Mula sa tala ng PSA, sinabi ni Ortega na 670 sa 1,992 pangalan ay “most likely match” sa PSA records; pero ang 1,322 individuals ay walang birth records; 1,456 walang marriage records (tanging 536 lang ang may rekord); at 1,593 walang death records (tanging 399 ang meron).

Sinabi rin noon ni panel chair Manila 3rd District Rep. Joel Chua na 405 sa 667 na pangalan na nakita sa acknowledgment receiptssa CFs ng Duterte-led DepEd ay walang rekord sa PSA. Ang lupet ano?

Kapag ganito ang naging presidente mo, ubos ang kayamanan ng Pilipinas.

Si VP Sara ay pinatalsik ng Kamara, at nakatakdang dinggin ang mga reklamo laban sa kanya ng Senate Impeachement Court mula sa Hulyo 31. Kaabang-abang ito, mga pare’t mare…

Nahaharap ngayon sa matinding krisis ang mga Duterte. Ang dating pangulo, Digong, ay nakakulong sa ICC sa The Hague Netherlands dahil sa kasong ‘Crimes against humanity’, at ang kapatid ni Sara na si Cong. Polong, ay kinasuhan din sa DoJ.

Subaybayan!