Advertisers
ISANG dating opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang nananawagan sa ating mga botante na huwag nang tangkilikin at iboto ang mga partylist na kabilang sa Makabayan Bloc, ang grupo sa Kongreso na mga kaalyado ng mga komunistang-terorista.
Sabi nitong si Jose Mirapeles maging mga senatorial candidates na may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF ay huwag na huwag din nating iboboto.
Sa kanyang interview sa DWDD Radio Voices from the Frontline, isiniwalat ni Mirapeles ang mga pangloloko nitong CPP-NPA-NDF. Inilahad niya kung paano mangbilog ng ulo ng taong bayan ang mga komunistang-teroristang mga ito para lamang makapasok sa Kongreso at nag-ambisyon pang pasukin ang Senado.
“Sa paparating na eleksyon, nananawagan tayo sa ating mga kababayan na i-boycott ‘yang mga partylist na nasa Makabayan Bloc at mga senatorials nila. Hanap tayo ng iba. Marami po dyan na pwede maglingkod sa atin ng tama,” ang sabi pa nitong si Mirapeles.
“Alam ko na alam nilang hindi sila mananalo. Ang ginagawa lang nyan ay para mapasok ang mga komunidad at ma-organisa – yun po ang ginagawa nila — community organizing yan para sa pagpapalakas ule ng kanilang kilusan dahil nasa yugto sila ngayon ng pagkalusaw dahil sa mga maling kaisipan na ginagawa nila,” dagdag pa niya.
So yun pala, wala pala namang ibang balak kung di makapasok uli sa mga komunidad para makapag-organisa. Linlangin muli ang ating mga kababayan, para lumakas silang muli.
Eh sino pa ang maloloko ng mga ito, eh mismong dati nilang kasama na inayawan sila ang nanghihikayat na sa atin na huwag na nating suportahan at bigyang pansin ang naghihingalo ng pwersa ng CPP-NPA-NDF.
Kung ganyan nang ganyan ang maririnig nating mga panawagan eh tiyak na matutuluyan na, itong naghihingalong CPP-NPA-NDF.
Wala nang suporta, wala pang bubuto sa kanilang mga kandidato.