Mga Taga-Baseco At Iba’t Ibang Distrito Sa Maynila Todo Ang Suporta Sa Mayoral Candidate Na Si Super Mahra Tamondong
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
VERY impressive ang bilang ng Manilenyos na sumaksi sa Proclamation Rally ni Manila Mayoral Candidate na si Super Mahra Tamondong sa Baseco last March 29.
Yes, hinayaan ni Super Mahra ang apat na kalaban sa mga proclamation rallies ng mga ito. Dahil gusto niya sa unang araw ng kanyang kampanya ay makasama niya ang mga residente ng Baseco na mula’t mula pa nang magdeklara siya ng kanyang kandidatura ay nakasuporta na sa kanya kasama na rito ang mga kapatid nating Muslim. At yung crowd ni Super Mahra ay hindi nagpakabog sa crowd ng mga katunggali.
Noong magsalita na pala si Super Mahra sa entablado, lahat ay nakikinig sa kanyang inilalahad na mga Plataporma tulad ng pagsulong sa magandang ekonomiya ng Maynila, ang pera o pondo ng Maynila ay para sa Manilenos lalong-lalo na sa mga mahihirap.
Seryoso siyang baguhin ang bulok na sistema ng naturang Lungsod. Kasama rin ang pagpapaunlad ng turismo ng Maynila, libreng edukasyon para sa mga batang Maynila including allowances and free Wifi. Libreng check-up at pagpapa-ospital, magkaroon ng health clinic sa bawat barangay, maayos na burol para sa sinuman, karagdagang benipisyong 2,000 pesos sa bawat senior citizen, at iba pa.
Dahil ang gusto ni Super Mahra, sakaling siya ang mahalal na bagong Mayor ng Maynila ngayong 2025 midterm election, ay umasenso na ang buhay ng mga kababayan. At panawagan pa niya sa lahat, “Wag po kayong magpadala dahil sila ay sikat. Kaylangan ang sumikat dito ay taong bayan.” Nagpalakpakan ang lahat ng nasa proclamation rally at kinabiliban talaga siya sa pagiging makatao na gustong makapaglingkod sa sambayanan. At pangako pa nito, sa gobyerno niya ay titigil na ang corruption dahil lahat ng pondo ng Maynila ay diretsong itutulong sa mga Manilenyo at sa mga proyektong gagawin.
Magkakaroon na rin ng boses ang mga Muslim sapagkat bibigyan sila ng sariling opisina ni Super Mahra sa City Hall. Never itong ginawa ng lahat ng umupong Mayor ng Maynila like Isko Moreno and incumbent Mayor Honey Lacuna. Na base sa interview sa dalawang babaeng Muslim ay may palakasan system daw sa kasalukuyang administrasyon na bago ka matulungan, kailangan ay may backer ka sa Mayor o sinumang opisyales ng City Hall.
Kay Super Mahra ay hindi niya papahintulutan ang ganitong sistema. Samantala, sa pagpapatuloy ng kanyang kampanya kasama ng kanyang buong Team ay nag-iikot si Super Mahra sa iba’t ibang distrito sa Maynila. Ang nakatutuwa, kapag nasasalubong siya ng mga tao ay kumakaway talaga sa kanya, at buong ningning talagang isinisigaw ang kanyang pangalan. At halos lahat ng vendors ay kilala rin ang maganda at businesswoman-philanthropist na kandidata.
Naka-schedule na rin pala ang gabi-gabing campaign rallies ni Super Mahra ngayong buwan ng Abril na tatagal hanggang Mayo 10. At kami ng aking entertainment editor friend dito sa PFT na si Ms. Blessie Cirera at Bff na si Pete Ampoloquio ang magsisilbing mga emcee rito. Ang businessman and Philantropist na si Boss Tony ang advicer ni Super Mahra sa kanyang political career. Parati niya itong nasa likod at nakasuporta sa kanya. Sobrang nakabibilib itong si Boss Tony, na hindi lang matalino at may sense of humor, kundi malawak din ang kaalaman sa pulitika!
Kaya always in the right track ang ipinagmamalaki namin sa lahat na Nag-iisang Mayora sa aming puso, Super Mahra Tamondong.