Advertisers
FORMER Manila Francisco “Isko Moreno” Domagoso: he’s the frontrunner, laging nangununga sa lahat, yes, lahat ng political survey, pati ang sariling survey ng kanyang mga katunggali — ang Aleng hindi na pinababalik, at ang lalaking panay lang upak, pa-cute at wala rin namang maipakitang resibo at plataporma sa Maynila.
Upak ng ale, puro utang lang daw ang iniwan sa kanya sa cityhall, madam, yung utang na iyon po, kayo po ang vice mayor ni Yorme, kayo ang nag-approve sa pag-utang.
Nakita nyo kung saan ginastos ang mga iyon, sa pagpapaayos ng mga ospital at pasilidad, anti-COVID-19 vaccines, gamot sa kabagsikan ng pandemya.
Doktora ka, at alam mo, napakalaking tulong ang inutang na iyon, ikaw mismo ang saksi kaya kahit hindi taga-Maynila, dinayo, nagpagamot sa mga medical facilities na ipinatayo ni Yorme, at isa ka sa ubod ng tamis sa pagngiti, tuwing pinupuri ang administrasyon nyo noong kayo ay magkasama.
Dahil walang trabaho, mahina ang negosyo ng pandemya, isa sa natuwa ay si Doktora sa daan-daan libong food packages na itinulong nyo ni Yorme Isko para mailigtas sa kagutuman ang Manilenyo.
Ngayon, isinisisi mo ang inutang na pera na iyon na ginamit sa pagliligtas ng buhay ng mga botanteng nililigawan mo ngayon, Doktora, para bigyan ka ng second term sa Manila CityHall.
Ikaw, ang City Council mo noon na ikaw ang presiding officer, Doktora, ang nag-apruba ng mga alawanses, libreng gadgets, laptops sa Batang Maynila na estudyante ng public schools at colleges, ngayon na nangungulelat ka, sasabihin mo, ibinaon ni Isko ang gobyerno ng lungsod sa utang.
Ang mga iyon at pati ang libreng laptops at iba pang amenitis sa mga titser, hindi na magandang resibo, at tingin nyo, ang perang ginastos sa mga iyon e, maanomalya.
Nakalimutan mo, magpakner kayo sa pag-utang ng mga iyon, lalo na noong pandemya na nagligtas ng libo-libong buhay, nagpondo sa maraming pabahay na mala-condo sa Tondo, Binondo at magagarang residences sa Malate at iba pa.
Ngayon na ang mga resibong ito ang ibinabalandra ni Yorme, ano ang ginagawa ng tropa pa — negative campaigning!
Akala mo, Doktora, akala mo SV, natutuwa ang mga botante sa paninira at pambibira nyo kay Yorme Isko at sa katiket niya na si vice mayoralty candidate Chi Atienza?
Naiinis sila, nagagalit, kasi nga, bakit isusumbat iyon e sila ang nakikinabang sa mga proyektong iyon, at ang mga parke, pasyalan, ang mga social services at iba, at ang malinis at mabangong Maynila noon, hindi na maganda, hindi na okay, kasi magkalaban na kayo.
Kontra-interes pala kayo sa ikinagiginhawa at nagpapagaang ng buhay sa mga Batang Maynila.
Kaya pala, kulelat kayo sa puso at isip ng mga botante, hindi ka na nga makakabalik, doktora, hindi ka makakaisa, SV, at si Yorme ang siguradong babalik.
Naiinis kayo sa inirereport na daluyong ng napakaraming supporter sa proclamation rally, mga motorcade, house-to-house na kampanya nina Isko at VM Chi Atienza at buong tropa ng Yorme’s Choice.
Sa totoo lang, kulang ang oras nina Yorme at Chi para ma-accomodate ang maraming request ng kanilang supporters sa Manila 6th districts.
Kaya umaapaw ang tuwa nina Yorme Isko at Chi at katiket, at nalulungkot sila, kasi, sabi nga ni Isko, “Kinapos kami sa oras na mapagbigyan ang lahat na mapuntahan namin, hindi namin ma-accomodate ang lahat.”
Sa sobrang takot ng mga kakumpetensiya ni Isko, mula nang magdeklarang babalik sa Cityhall, inararo na siya ng atake, kesyo walang utang na loob, traydor daw sa samahan, at kung ano-ano pang paninira.
Ano, ang ipinantapat ni Yorme: Yung makapal na resibo niya sa 2019-2022 na for the record, wala ni isang mayor sa Maynila at saan mang LGU ang makapapantay.
Kaya sabi ni Yorme, “Hindi namin papatulan ang mga iyon. Sasabihin lamang namin ang aming gagawin, magrereport at makikinig lamang kami sa hinaing ng tao.”
Kung may sasagot sa mga upak sa kanya, yung mga naniniwala at maraming supporter ni Yorme, pero siya mismo sa personal, sabi niya, “Ayoko magtanim ng hinanakit o magsalita ng masama sa kapwa ko Manilenyo. Leaders should not divide the people. Kami, mag-uulat at mangangako sa mga bagay na gagawin namin, ayon sa hinihingi ng taumbayan.”
At eto ang maganda sa positive campaigning: sa March 2-6 ng OCTA Research, 67% ng botanteng Manilenyo, ay sinabi, si Yorme Isko ang kanilang iboboto,
Si SV, 16%, at si Doktora, 15% lang.
Habang papalapit ang Mayo 12, alam na natin, babalik si Yorme, kasama si VM Chi Atienza, at goodbye, bye-bye na, hindi na makababalik si Doktora, at si SV, uuwing luhaan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com