Advertisers
Patay ang isang Barangay Chairman at isang kandidato sa Sanggunain Bayan sa naganap na barilan sa isinagawang campaign rally sa Lagangilang, Abra nitong Lunes ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Lou Salvador Claro, 57, retired PNP at Barangay Chairman ng Brgy. Nagtupacan at naninirhan sa Brgy. Nagtupacan, Lagangilang, Abra; at Manzano Bersalona Agdalpen Jr., 58-anyos, tumatakbong Sanggunian Bayan ng Nagtupacan Lagangilang, Abra.
Sa report, 6:50 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Brgy. Nagtupacan, Lagangilang, Abra.
Nabatid na nagsasagawa ng campaign rally ang “Team Asensi“ na kinabibilang ni Agdalpen sa Brgy. Nagtupacan ng makita nito ang isang Rommel Apolinar na nakatayo malapit sa nasabing lugar at bigla na lang sinuntok. Tumakbo ang lalaki papalyo at nagtungo kay Brgy. Chairman Claro na member ng kalaban political group na Team Progreso. Nagtungo si Brgy. Chairman Claro sa nasabing lugar upang mamagitan at payapain ang sitwasyon nguni’t sinugod ni Agdalpen at suntukin sa mukha si Apolinar dahilan upang gumanti na ito ng suntok.
Itinulak ni Agdalphen si Brgy. Chairman Claro at bumunot ng baril ang una at sunod sunod na pinaputukan sa iba’t -bang bahagi ng katawan ang huli. Habang nagkakagulo isang ‘di nakikilang lalaki ang bumaril kay Agdalpen.
Dinala si Claro sa Seares Hospital habang si Agdalpen isinguod naman Abra Provincial Hospital ngunit’ kapwa binawian ng buhay.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaungay ng naganap na insidnte. (Mark Obleada)