Advertisers

Advertisers

BONG GO, CHIZ, KAILANGAN NG BALASA

0 87

Advertisers

DALAWANG nilalang ang kailangan ng balasa sa lalong pinakamadaling panahon. Kailangan ilagay sa ayos sina Chiz Escudero at Bong Go. Naglalayag mag-isa si Chiz upang pangalagaan ang mga Duterte lalo na si Sara at Gongdi. Pilit pinagtatakpan ni Bong Go ang kanyang madilim na nakalipas upang makalusot sa krimen at makabalik sa Senado.
Madaling mabasa si Chiz sa kanyang mga asta at ginagawa kamakailan. Pinangangalagaan niya ang kapakanan ni Sara sa Senado. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya tinawag at pinulong ang Senado bilang impeachment court upang litisin si Sara sa mga paratang na dinambong niya ang kaban ng bayan at ginamit ang poder upang magpayaman.

Nais ni Chiz na siya ang mangibabaw sa kasalukuyang krisis ng mga Duterte. Nais niya na siya ang panalo. Alam ni Chiz na hindi palulusutin si Sara ng susunod na Senado sa sandaling litisin siya sa mga bintang na paglabay niya umano sa Konstitusyon, ngunit nais niya na makuha ang mga botante ng mga Duterte upang siya ang tangkilin ng Tsina na handang bumuhos sa kandidatura ng kanilang bata at utusan sa 2028.

Iyan ang laro ni Chiz kaya kailangan niya ng maagang balasa upang iparamdam sa kanya na alam ng kasalukuyang administrasyon ang kanyang galaw. Pinakamaganda na sipain na siya at iba na lang ang presidente ng Senado sa sandaling pulungin ito sa ika-30 ng Hulyo bilang isang impeachment court. Maraming magaling na handang kumilos ng walang nakatagong hangarin.



Kailangan rin bigyan ng balasa si Bong Go, ang sinasabing bagman na namudmod ng pera bilang pabuya at gantimpala sa mga pulis at iba pang sangkot sa madugo pero palpak na war on drugs ni Gongdi. Kriminal si Bong Go at walang matwid na palusutin siya at makabalik sa Senado. Walang siyang malasakit sa bayan. Ang malasakit niya ay sa sarili.
Maraming kaso si Bong Go. Marami siyang sakdal na hinaharap. Marapat lang na ungkatin at buhayin. Kasama na diyan ang multi-bilyong plunder case na isinampa ni Sonny Trillanes, ang dating senador na nakabungkal sa kanilang raket sa mga infrastructure project sa Davao City noong alkalde pa si Gongdi.

Hindi namin alam kung may deal si Bong Go kay BBM at sinuman sa administrayon niya. Hindi siya dapat mahalal muli dahil marami siyang kasalanan sa bayan. Kung tuluyang ilulubog si Gongdi at Sara sa kanilang mga kasalanan sa bayan, marapat rin na isama na nila si Bong Go dahil sama-sama sila sa pandarambong sa bayan. Isa rin taksil si Bong Go sa bayan dahil kampi siya sa Tsina. Hindi niya maikakaila iyan.
***
MAYROON post si kaibigang Sahid Glang Sinsuat, ang Muslim na iskolar, tungkol sa nangyayari sa bansa. Ito ang aking batayan kung bakit isinulat ko ang kolum ngayon. Pakibasa:
Ang mahirap na kalaban ay ang taong tahimik o matipid sa salita. Ang isang halimbawa nito ay si BBM. Yung mag-amang Duterte at ang mga DDS ay panay ang ngawngaw at insulto laban kay BBM pero tahimik lang siya. Si Digong ay binansagang “bangag” si BBM. Si Sara naman ay binantaang patayin siya kasama si First Lady Liza Marcos at Speaker Romualdez. Hindi na pumatol si BBM.
Ang ginawa niya ay pinagalaw niya ang mga tauhan niya. Hindi siya ang pinakamakapangyarihang Pilipino para lang palampasin niya ang mga batikos sa kanya. Lingid sa kaalaman ng mga Duterte ay gumagalaw na pala ang pangulo. Nakipag-ugnayan na pala siya sa ICC at Interpol para madakip si Duterte pagdating niya sa NAIA at Villamor Airbase galing Hong Kong at isinakay sa Gulfstream Jet patungong The Hague para ipakulong siya sa bilangguan ng ICC doon para litisin ng crimes against humanity na isinampa laban sa kanya.

Si Sara naman ay siniyasat naman ng QuadComm ang ma-anomalyang paggastos niya sa confidential funds niya sa OVP at DepEd na nagkakahalaga ng halos bilyong piso. Si Miguel Zubiri naman ay tinanggal bilang Senate President nang hayaan niya magdaos ng pandinig si Sen. Bato de la Rosa tungkol sa “Polvoron video” kung saan pinakita na sumisinghot umano si BBM ng droga. Ginawa pa niya niyang resource person si Jonathan Morales para testigo.

Doon naman sa pandinig ng Committee on Foreign Relations ni Sen. Imee Marcos tungkol sa pagka-aresto kay Duterte, isa sa dumalo doon ay si Sen. Jinggoy Estrada kung saan ginipit niya si Gen. Nicholas Torre, isa sa mga resource person, dahil sa ilegal diumanong pagdakip niya kay Duterte. Nang di kalaunan ay nabuhay uli ang halos nakalimutan nang graft case ni Jinggoy sa PDAF na kasabwat si Janet Napoles. Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang apela niya dito para ibasura ang kaso niya. Dahil dito may posibilidad na pwedeng ipakulong uli si Jinggoy.

Ang isa pang nagngangawngaw sa pagtatanggol kay Duterte ay si Sen. Alan Peter Cayetano. Pag hindi siya maingat, baka uungkatin ang kaso niya sa bilyong pisong hindi pa na-liquidate na pondong hawak niya noong nag-host ng SEA Games ang Pilipinas noong 2019, kasali na yung higanteng kaldero na ipinatayo sa Clark Airbase na pinagdausan ng mga laro. Iniulat ng media na ang kaldero ay nagkakahalaga diumano ng P50 million.



Si Senate President Chiz Escudero ay nanganganib din ang pwesto pag hinayaan niya ang pagdinig ng komite ni Imee tungkol sa pagkadakip kay Duterte. Pag di siya maingat, pwede rin niyang sapitin ang nangyari kay Zubiri na nasipa sa pwesto dahil sa pagkiling niya kay Duterte.

***

SALITANG DAPAT TANDAAN: “Gugulo ang bansa kapag may nangyari masama kay dating pangulong Duterte.” – Robin Padilla, dating aktor

***

Email:bootsfra@yahoo.com