Advertisers

Advertisers

Bagong Silang Malasakit Medical Center, pinasinayaan

0 6

Advertisers

Pinasinayaan ang bagong Silang Malasakit Medical Center, sa isang seremonya na pinangunahan ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.



Nabigyang katuparan ito sa pamamagitan ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, City Health Department (CHD) at City Engineering Department (CED).

Matatagpuan, ang 280-square meter, two-storey health center na naglalayon na magbigay ng libreng kalidad ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan kabilang ang mga pagbabakuna, nutrisyon at mga serbisyo sa diyeta, konsultasyon sa panganganak, kagat ng hayop, pagsusuri sa cervical at HIV, mga programa laban sa tuberculosis, at pagpaplano ng pamilya.

Ipinagdiwang ni Mayor Along ang matagumpay na pagsisimula ng mga operasyon ng pasilidad habang binibigyang-diin ang dami ng mga mamamayan na paglingkuran ng bagong health center.

“Binabati ko po ang lahat ng naging katuwang ng pamahalaang lungsod upang maging posible ang proyektong ito, lalong-lalo na po ang halos 25,000 na mga Batang Kankaloo dito sa Bagong Silang na makikinabang sa libre at de-kalidad na serbisyo ng ating bagong health center,” wika ni Mayor Along.

Tiniyak ng City Mayor sa komunidad na ang bagong medical center at karampatang kawani ay mapapalaki ang mga kasalukuyang pasilidad at programang pangkalusugan sa lugar, at hinikayat ang lahat na gamitin ang nasabing mga serbisyo para sa kapakanan ng kanilang komunidad at kanilang pamilya.

“Inaasahan po natin ang bagong Malasakit Health Center na ito ay mas palalakasin pa ang mga programang naitatag na natin, lalo na po at batid natin na nag-aadjust pa ang lahat sa mga bagong barangay na nabuo dito sa Bagong Silang,” dagdag ni Mayor Along.

“Ang pakiusap ko lang, sana ay lubos ninyonh mapakinabangan ang mga serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang lungsod upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating komunidad at ng ating mga pamilya,” pahayag ni Malapitan.