Advertisers
Patay ang isang hindi pa kilalang babae nang masagasaan sa EDSA busway sa Quezon City.
Patuloy pang inaalam ng QCPD- District Traffic Enforcement Unit (DTEU) ang pagkakakilanlan ng biktima.
Sa imbestigasyon ng DTEU, nangyari ang insidente 11:20 ng umaga sa EDSA Southbound Carousel Bus Lane.
Tumatawid ang biktima nang matumbok ng bus Golden Dragon Truck Bus na minamaneho ni Ricardo Surdilla ang biktima at tumilapon dahilan ng pagkamatay noon din.
Nahaharap ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide. (Almar Danguilan)