Advertisers

Advertisers

Andrea nangabog ang outfit sa ABS-CBN Ball 2025; KathNiel nabuhayan ng loob nang malamang ‘single’ pa si Kathryn

0 35

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TINULDUKAN na ni Kathryn Bernardo ang napapabalita na diumano’y boyfriend niya na si Lucena Mayor Mark Alcala, na ito ang ipinalit niya kay Daniel Padilla.

Sa ginanap kasi na ABS-CBN Ball 2025 noong Biyernes ng gabi sa Solaire North, kung saan ay rumampa si Kath ng solo, tinanong siya ng host ng event na si Gretchen Fullido kung taken na ba siya o single, ang sagot niya ay, “I’m very happy and yes still single.”



So, base sa naging sagot ni Kath,wala siyang lovelife o karelasyon ngayon. So,tsismis lang ang pagkakaugnay niya kay Mayor Mark.

So, siyempre pa, happy ang mga faney ng KathNiel, na umaasa pa rin na magkakabalikan sila.

***

BONGGA si Andrea Brillantes, huh! Nangabog lang naman siya ABS-CBN Ball 2025 sa kanyang suot na pink-white suit.

Hindi man siya naka-gown gaya ng ibang female celebs, agaw-eksena naman ang mababang neckline ng kanyang suit.



Dahil diyan, agaw-eksena rin ang cleavage niya at kalahati na ng kanyang magkabilang boobs ang nakalitaw.

Si Eldz Mejia ang gumawa ng suit ni Andrea na kahit napakaseksi, elegante pa ring tingnan. Nadala kasi nang maganda ni Andrea at nai-project nang maayos ang kanyang suit.

Si Eldz ay ang 2024 Mega’s Best Stylist awardee.

Sumakto rin ang suot na Bvlgari serpenti viper necklace ni Andrea sa kanyang pa-open neckline, kaya talagang mapapalingon ang lahat sa aktres that night.