Advertisers

Advertisers

Alex Eala umangat sa no. 73 sa WTA rankings

0 9

Advertisers

NAABOT ni Filipina tennis ace Alex Eala ang bagong career-high sa world rankings na tumalon ng dalawang baitang sa No.73 sa huling WTA rankings na inilabas Lunes (oras sa Pilipinas).

Isang linggo ang nakararaan,Eala ay tumalon sa No.75 mula sa 140 matapos ang makasaysayang panalo sa Miami Open kung saan niya tinalo ang Grand Slam champions tulad nina Jelena Ostapenko, Madison Keys, at Iga Swiatek. gayunpaman, nabigo siya kay Jessica Pegula sa semifinals.

Ayon sa WTA,”A player’s ranking is determined by results at a maximum of 18 tournaments for singles and 12 for doubles. Points are awarded based on the level of tournament and a player’s round-by-round progression at that tournament.”