Advertisers

Advertisers

2 tulak nakunan ng P1.7m shabu sa Caloocan

0 13

Advertisers

Naaresto ang dalawang high-value drug personalities nang masamsam ang 250 grams ng shabu na may street value na P1,700,000.00.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/ Col. Edcille Canals ang mga suspek na sina alias “‘ Ronald, 43 , at alias Ferdinand, 42 , vendor , pawang residente ng Antipolo, Rizal.

Pinangunahan ang buy- bust buy-bust operation sa Barangay 28, Caloocan City, 4:01 ng hapon, araw ng Lunes ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) na may koordinasyon sa PDEA.



Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs), 26 (Attempt or Conspiracy), at 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)