Advertisers
AMINADO ang mga netizen na magaling si Tsis bilang mambabatas. May ibubuga sa maraming isyu ng bansa lalo na ang paggawa ng batas, anila. Dahil abogado, kabisado ni Tsis ang pasikot-sikot ng batas. May kadulasan ang kanyang dila kaya kayang-kaya niya na ipahayag ang nasa isip. Magpagaling magpaikot si Tsis kahit anong isyu na nasa hapag. Nguni tang labis na nakakapagtaka- marami sa kanila ang walang ganap na tiwala sa kanya.
Tanungin mo ang mga netizen, o kahit sino: handa ka ba na magtiwala kay Tsis? Handa ka bang ipagkatiwala sa kamay ni Tsis ang bansa? Iisa ang sagot: HINDI. Maraming dahilan at isa ditto ang pagtingin kay Tsis. Masyadong tuso si Tsis sa maraming isyu ng bayan. Hindi ganap na maarok ang hangarin ng kanyang pulitika. Palaging may nakatagong pakay, o hidden agenda. May mga umaayaw na magpagamit kay Tsis lalo na ang kanyang lihim na pakay. Mahirap pagtiwalaan si Tsis sa maraming bagay.
Iyan ng pangunahing suliranin ni Tsis bilang pulitiko. Hindi siya ganap na pinagkakatiwalaan. Ang tingin sa kanya ay isang lingkod bayan kundi isang bantay salakay na handang lumapa sa sariling bayan sa sandaling binigyan ng pagkakataon. Marami ang tumitingin sa kanya bilang isang oportunista. Kaaway siya ng bayan, sa maikli. Hindi naming alam kung may kabatiran si Tsis sa ganitong pagtingin sa kanya.
Sa impeachment trial ni Misfit Sara, hindi naitago ni Tsis na kumakampi siya sa tila nakadapang pangalawang pangulo. Handa siyang gawin ang lahat ipakita lang na kampi siya sa mga Duterte kahit naghihingalo na sila at totohanang itataboy ni BBM sa larangan ng pulitika sa bansa. May tingin na handang maglingkod ni Tsis sa interes ng China. Handa siyang ipagkaloob ang sarili bilang bagong aso ng pulahang China sa rehiyon.
Handang baluktutin ni Tsis ang kahulugan ng salita ng Saligang Batas, basta mabigyan lang niya ng proteksyon si Misfit Sara. Handa niyang baguhin ang kahulugan ng mga salita sa diksiyonaryo. Handa siyang magpaalipin sa lahat ng mang-aalipin basta magsilbi siya sa interes ng China, nga ga Duterte, at sariling kapakanan.
May kapalit ang taya ni Tsis kay Misfit Sara. Kung makakalusot si Misfit Sara sa mga paratang sa kanya, nais niya na siya ang maging bise president niya sa 2028. Pero kung hindi lulusot at alisin ng Senado sa kanyang kasalukuyang puwesto bilang pangulo, nais niya na kunin ang suporta ng mga DDS upang siya ang kanilang kandidato sa panguluhan sa 2028.
Kahit anong mangyari kay Misfit Sara sa paglilitis, walang kawala kay Tsis ang pagkakataon. Panalo siya sa lahat-lahat sa pulitika. Hindi namin alam kung batid ng pamilya ni Misfit Sara na pinaglaruan lang sila ni Tsis. Masyado kasi siyang abala sa pagkakadakip at pagkakakulong ng ama. Aburido sila dahil batid nila na ubos sila sa taong ito. Wala silang maibigay na tulong sa kanilang kandidato.
Samantala, inisip lang ng kanilang atsoy na Bong Go ang sarili. Wala siyang pakialam kung ano ang mangyari kay Gongdi at Misfit Sara. Ang mahalaga ay mailigtas niya ang sarili sa krisis ng mga Duterte. Ang importante ay manalo siya sa releksyon . Hindi naming alam kung ano ang deal niya sa gobyerno ni BBM. Ang nakikita naming ay kahit manalo siya sa halalan, hindi siya makakaupo dahil patong-patong ang mga sakdal laban sa kanya.
Hindi pa kumikilos ang makinarya ng gobyerno laban kay Bong Go, sa aming tantiya. Kung hindi siya babaligtad upang idiin si Gongdi, makakasama niya si Bato at iba pang heneral ng PNP na may kaugnayan sa war on drugs ni Gongdi. Susunod sila sa piitan ng ICC. Hindi namin sila nakikitang makakalusot sa isyu. Nararamdaman ito ni Bato kaya aburido siya.
Larawan ng labis na katusuan si Tsis. Oportunismo ang tatak ng kanyang pulitika sa bayan. Hindi kataka-taka na hindi siya ganap na pagtiwalaan. May batayan ng manmanan ang kanyang pulitika dahil hindi siya mangingimi na gawin ang imposible makuha lang ang panguluhan sa mabilis at mabisang paraan.
May mga panukalang alisin na si Tsis bilang pangulo ng Senado dahil hindi siya ang angkop na hawakan ang paglilitis ni Misfit Sara. Halatang kumakampi siya kay Misfit Sara upang lituhin ang bayan at sapilitang ilusot siya sa maraming paratang. Para sa amin, mas mainam na ibang senador ang mamuno sa paglilitis ni Misfit Sara. Kung sino siya, maiging manmanan sa madali.
Sino ang mainam na ipalit kay Tsis? Tatalakayin namin iyan sa mga susunod na isyu. Ano ang endgame sa madali?
***
NAKUKUTYA kami sa sarili na paghambingin si Sonny Trillanes at ang kanyang katunggali na si Along Malapitan. Masyadong malaki ang pagkakaiba. Langit at lupa. Hindi larawanng tagumpay si Along. Wala siyang napatunayan sa buhay. Kundi dahil sa ama na si Boca na tumulong sa kanya, hindi maging alkalde ng siyudad si Along. Hindi na naming daragdagan ang paghihirap ni Along.
***
HAYAAN ninyo na bigyan ko ng daan ang isang munting balita para sa edukasyon ni Tsis.
Malinaw na malinaw: Forthwith na nakasaad sa Konstitusyon kaugnay ng pagtrato sa impeachment case nangangahulugan na dapat aksyunan agad— Acidre
Kinontra ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Jude Acidre ng Tingog Party-list ang pahayag na malabo ang nakasaad na “forthwith” sa Konstitusyon kaugnay ng pagtrato sa impeachment case. Para kay Acidre malinaw na ang ibig sabihin ng “forthwith” ay agad-agad. Ginawa ni Acidre ang pahayag kasunod ng sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang salitang “forthwith” ay dapat ginawa na lamang “immediately” upang malinaw na dapat agad na aksyunan ng Senado ang mga impeachment case na ihahain ng Kamara de Representantes.
Sa isang Zoom press conference, iginiit ni Acidre, na siya ring House Majority Leader, na malinaw ang wika ng Konstitusyon at walang kalabuan. “Well sa totoo lang ho, nasa Konstitusyon at klarong-klaro po ang paggamit ng salitang forthwith ano?” ani Acidre. Itinuro niya na ang kahulugan ng “forthwith” ay madaling maunawaan at malinaw.
“Nakikita naman natin sa diksyunaryo kung ano ibig sabihin noon,” dagdag pa ni Acidre, na tinutulan ang mungkahi na ang wika ng Konstitusyon ang dahilan ng pagkaantala sa proseso. Binigyang-diin ni Acidre ang kanyang paggalang kay Escudero ngunit kinuwestiyon ang kahulugan ng mga pahayag nito.