Advertisers

Advertisers

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

0 12

Advertisers

Pinaigting pa ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula Luzon hanggang Mindanao.

Kasama ang kanilang celebrity advocate Melai Cantiveros-Francisco at first nominee Atty. Johanne Bautista lulan ng motorcade, nakipyesta ang grupo sa Navotas sa hapon ng Abril 6.

Kinagabihan bago ang kaarawan ni Cantiveros-Francisco, tumuloy ang grupo sa Navotas Fisheries Port Complex upang ibahagi sa libu-libong mangingisda, batilyo, biyahero at mga nangangalakal ang kanilang adbokasiya na palakasin pa ang fishing industry at mabigyan sila ng sapat na sahod.



Sa parehong araw, si second nominee Ninai Chavez naman ay lumipad pa-Zamboanga del Norte bitbit ang kanilang plataporma upang suyuin ang mga lokal sa grand proclamation rally na pinangungunahan ni incumbent Mayor Darel Uy.

Samantala, si third nominee kagawad Nelson de Vega ay dumako sa Santiago, Isabela at nagtalumpati sa harap ng lagpas isang libong manggagawa para mabigyang-diin ang hangarin ng grupo na paramihin ang mga trabahong may competitive na sahod sa mga probinsya, pati na rin sa mga liblib na lugar upang hindi na kailangan mapalayo pa ang kanilang mga pamilya.

Maging ang mga miyembro at tagasuporta ng TRABAHO ay tulung-tulong rin sa pangangampanya sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay sa Metro Manila pati na rin sa mga karatig probinsya.

“Mas lalo po nating nararamdaman ang kagustuhan ng publiko sa pagreporma ng mga batas upang mapabuti pa ang mga kondisyon sa pagtatrabaho pati na rin ang madagdagan ang sahod at benepisyo ng lahat ng manggagawa,” pagsasaad ng tagapagsalita ng grupo na si Atty. Mitchell Espiritu ukol sa umiigting na nationwide campaign ng TRABAHO.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">