Advertisers
BAGO ang lahat, pagbati muna ng maingay na ‘HAPPY BIRTHDAY!’ sa ating kapatid na si Doris Franche Borja at kay “Boss” Butch Hilario, na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong Linggo. “Mabuhay kayo hanggang gusto ninyo,” hehehe!
***
Kumalat sa maraming ‘chat groups’ ang nangyari umanong ‘kidnap-for-ransom’ sa isang respetadong ‘Fil-Chinese at kilalang ‘steel tycoon’ noong Marso 29, habang kumakain sa isang kilalang ‘Chinese restaurant’ sa Macapagal Boulevard.
“Nag-alangan” naman tayong ibalita agad ang impormasyon. Kung totoo kasi, malalagay sa peligro sa “biktima” at naghihintay tayo sa magiging “galaw” ng ating mga awtoridad. ‘Yun lang, mukhang wala naman silang ginagawa upang pasubalian ang kumalat na impormasyon. Hindi pa kaya nila alam hanggang ngayon?
Ayon pa sa impormasyon, $20-milyon ang hinihinging ‘ransom’ subalit “naibaba” umano ito sa halagang $600,000.00?
Ang “masaklap” lang, hanggang sa kumalat sa mga ‘chat groups’ ang umano’y ‘KFR incident’ noong Abril 3, hindi pa rin umano pinakakawalan ang negosyante?
Kamakailan, naisulat natin dito na isang ‘Fil-Chinese locator’ sa Subic ang tinangka namang ‘i-blackmail’ ng ilang grupo sa Subic sa gawa-gawang kaso na ‘rape of a minor’ kung saan ginawa pang “panakot” ang CIDG.
Sa nasagap pa natin, aba’y nakagugulat na P50-milyon ang “hirit” umano na ‘settlement’ ng mga nasa likod ng kaso! Grabe, para na ring “nakidnap” ang kawawang negosyante, hehehe!
Kamakailan din, naglabas ng ‘advisory’ ang ‘Chinese Embassy’ sa kanilang mga ‘nationals’ na “umiwas” nang magpunta sa ‘Pinas dahil sa sumasagwa nating ‘peace and order.’
Mukhang malaki ang tama ng Chinese Embassy?
Abangan!