Advertisers
Ito ang sigaw ng libo-libong Montalbeño na sumama sa house to house ni Montalban 4th District Congressman Atty. Fidel Nograles nitong nakalipas na Sabado.
Bukod d’yan, ipinagdasal din ng isang religious group ang kongresista sa kanyang isinagawang house to house sa Kasiglahan, Village, Brgy. San Jose sa nabanggit na bayan.
Wala namang pagsidlan sa tuwa ang kongresista na ikinagulat ang kapal ng tao na sumama sa house to house sa gitna ng tirek ng araw.
Anila, sa dami ng nanungkulan sa kanilang bayan tanging ang kongresista lamang ang may mga proyekto, tulong medical, sa mga senior citizen, puhunan sa mga nais maghanapbuhay, matrikula at ang pagpapatayo sa Regional hospital na malapit na umanong makapagserbisyo.
Alas 2:00 ng hapon ng magtipon -tipon sa Kasiglahan Chapel ang mga supporter’s ng kongresista at sumamang magbahay-bahay sa kabila ng tirek ng araw na inabot ng mag-a-alas 6:00 ng gabi.
Kabilang sa mga nagbilad sa init ng araw ang mga senior citizen, kabataan, estudyante at mga negosyote.
Kasama rin ng kongresista ang drum-and-lyre band ng mga estudyante at iskolar ni Cong. Nograles sa ilalim ng kanyang scholarship program na Future Natin (FN) at ilang motorcycle group.
Saksi umano sila walang tigil na tulong ni Nograles lalo na noong pandemic o COVID-19 wala umano itong takot na mahawaan ng virus sa paghahatid ng ayuda.
Hindi rin anila nagpatinag ang kongresista sa harrasment at pagpapasara ng ilang opisina nito ng kanyang mga katunggali sa politika at patuloy itong nagkaloob ng tulong sa mga residente.
Sa mensahe ni Nograles, magpasalat ito sa libo-libong tao na naka-antabay sa Primary Town Center kung nagtapos ang kanyang house to house.
Kasabay nito bilang Chairman ng house labor and employment Committee hiniling ni Congressman Atty, Nograles kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na i-certify as urgent ang panukalang P200 wage increase ng mga manggagawa.