Advertisers
INILABAS ng RPMD Foundation Inc., sa pakikipagkolaborasyon ng RPMD News Network Inc., ang pinaka-latest na resulta ng pinakaaabangang “Boses ng Bayan” pre-election survey.
Ang survey ay nagbibigay ng in-depth look sa pulso ng mga botante ng Malabon bago ang 2025 congressional race. Sa result, anito, malaking kalamangan ang naitala ni dating Congressman Ricky Sandoval, senyales ng potensyal na muling pagkabuhay ng pulitika at lumalalim na tiwala ng publiko sa kanyang mga vision para sa lungsod.
Si Sandoval, isang beteranong mambabatas at asawa ng kasalukuyang Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, ay may matatag na 45.8% voter preference—tumaas ito ng 6.3% kumpara sa nakaraang polling period. Ang kalamangang ito ay nagpatatag sa kanyang status bilang frontrunner at sumasalamin sa tiwala ng mga botante sa kanyang nakaraang performance, partikular ang kanyang mga naitalagang achievement sa legislative at developmental programs. Maraming botante ang nakakaalala pa sa kanyang naging mahalagang papel sa pag-akda Malabon cityhood law—isang achievement na patuloy natatandaan ng publiko at nagpapalakas sa kanyang comeback bid.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD at Global Affairs Analyst, ang Sandoval tandem ay nagpasigla sa imahinasyon ng publiko.
“Malabon voters are leaning toward continuity and effective governance. There is a strong sentiment that Congressman Ricky Sandoval and Mayor Jeannie Sandoval form a leadership duo that delivers tangible results,” ani Dr. Martinez said.
Aniya, tiwala ang publiko sa pangako ni Sandoval na palalawakin pa ang access ng publiko sa healthcare, education, employment, at livelihood initiatives— na dati na rin niyang legislative agenda.
Taliwas dito, si dating Mayor Antolin “Lenlen” Oreta ay nakatanggap lamang ng 20.2% support— bahagyang pagtaas ng 1.5%—pero napakalayo kumpara sa frontrunner. Bilang dating chief executive ng lungsod, nahihirapan ngayon si Oreta na iangat ang kanilang sarili.
Patuloy na dismayado ang mga botante dahil sa mga hindi naresolbang kontrobersya ng kanyang administrasyon. Kabilang dito ang umano’y mga drug-related na aktibidad sa ilalim ng kanyang administrasyon, mismanagement sa City of Malabon University, ang Tugatog Public Cemetery scandal, akusasyon ng nepotismo dahil sa pagkaka-appoint ng kanyang misis sa city university, at ang high-profile na plunder case na konektado sa UniFast funds. Para sa maraming Malabueños, ang mga hindi naresolbang isyung ito ay naglalagay ng pagdududa sa kredibilidad ng mayor.
Samantala, si Bernard Dela Cruz ay nakakuha lamang ng 18.7% sa voter preference, nagtala ng 2.2% na pagtaas. Sa kabila ng napakaliit na pag-angat, nananatiling malabnaw ang pagtanggap ng publiko. Maraming bumabatikos sa track record ni Dela Cruz sa kanyang dating papel bilang Vice Mayor at Councilor na tila walang sustansiya.
“Nakikita lamang siya sa mga sunog at photo opportunities, pero wala namang malinaw na pagtulong,” komento ng isang espondent. Nagpapakita ito ng wala silang nakitang koneksyon sa visibility ni Dela Cruz at sa naging aksyon nito.
Habang si Bem Noel, na dating Party-list Representative, ay malaki pa ang ibinaba—7.1%, na nabawasan ng 2.2%. Ang tiwala ng publiko sa kandidatura ni Noel ay bumagsak dahil sa negatibong pananaw at online scrutiny. Tinukoy ng mga botante ang pagkakatanggal niya sa House of Representatives at iba pang mga kontrobersya sa Tacloban City na umikot sa social media—mga isyu na nagpadilim sa kanyang kampanya at nagpapababa sa pagtingin sa kanya ng mga Malabon constituents.
Ang survey na isinagawa noong March 15 hanggang 20, 2025, ay nilahukan ng 2,500 registered voters sa buong lungsod bilang mga respondents. Sa 2% margin of error at 95% confidence level, ang survey ay kinapalooban ng face-to-face interviews at direktang pagtatanong ng: “If elections were held today, who would you vote for as Congressman?” Ang randomized methodology ay nagbigay ng katiyakan sa diverse at representative sample ng voting population ng Malabon.
Habang lumalapit ang 2025 elections approach, malinaw na naipipinta na ang lungsod ay naghahanap ng accountable leadership at responsive governance na kanilang nakikita kay Ricky Sandoval. Ang malaking kalamangan ni Sandoval ay hindi lamang dahil sa name recall—sa halip nakaangkla ito sa legasiya ng pagseserbisyo at mahusay na platapormang nagpalakas sa tiwala ng publiko.
Sa pag-init ng karera, ang susunod na buwan ay magiging kritikal habang pinalalakas ng mga kandidato ang kanilang mga estratehiya at pagsusumikap na makaungos sa kalaban.