Advertisers

Advertisers

PBBM pinatitiyak ang tulong sa 3 Pinoy na inaresto sa China dahil sa ‘pang-eespiya’

0 2

Advertisers

PINASISIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tulong sa tatlong Pilipinong inaresto sa China matapos akusahan bilang mga espiya.

Sa isang press briefing sa Malakanyang nitong Lunes, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, iniutos na ni Pangulong Marcos sa mga kaukulang ahensya na tutukan ang kaso ng mga ito at bigyan ng legal assistance.

Samantala, hindi na nagbigay ng detalye ang Palasyo tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng tatlong Pilipino.



Ipauubaya na aniya nila sa Department of Foreign Affairs at Department of National Defense ang iba pang detalye sa sitwasyon ng mga nasabing Pilipino.

Kumpiyansa rin ang Palasyo na hindi “retaliation” o pagganti ang motibo ng China sa pag-aresto sa mga Pilipino, dahil patuloy pang iniimbestigahan ang insidente at wala pang mga ebidensyang makapagpapatunay na gumaganti ang Beijing. (Vanz Fernandez)