Advertisers

Advertisers

Pasig City Mayor Vico Sotto kunsintidor nga ba?

0 87

Advertisers

Mainit na mainit na halos mas mainit pa sa Sikat ng Araw ang usapin hinggil sa mga kababaihang naaapi tulad na lang ng ianunsiyo ng isang tumatakbong Gobernador ang gagawin ng kanyang administrasyon sa pagbibigay ng scholarship program sa mga estudyanteng babae na ang kukuhaning kurso ay Nursing.

Take note mga Ka Usapang HAUZ ang sabi ni Gob ay libre ang lahat ng kakailanganin ng mga nursing student subalit may kundisyon kailangan na pawang magaganda ang magsisikuha nito, bawal din ang lalake, kaya ayun patatawag siya ni Comelec Chairman Gorge Garcia na kahit ito ay isang biro.

Usaping kababihan pa din mga Ka Usapang HAUZ ang sinasabing lampas langit na pagbibiro nitong si Atty. Ian Sia na tumatakbong Congressman sa Siyudad ng Pasig na nag Viral dahil sa sinabi nito sa mga kababaihan na mga single mom, dahil sa pagbibiro nitong si Sia ay hindi pinalampas at agad na gumawa ng aksiyon si Pasig City Mayoralty candidate Ate Sarah Discaya at pinatawan ng tatlong araw na suspensiyon sa mga gagawing aktibidades ng Team Kaya This itong si Atty. Sia.



Kaya marami ang nagtatanong mga Ka Usapang HAUZ kung tutuo na itong si Incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto ay kunsintidor pagdating sa kanyang mga kapartido.

Buti na lang mga Ka Usapang HAUZ ay pinag-adya ng Maykapal na mabuksan muli ang usapin hinggil sa pang-aabuso sa karapatan ng mga kababaihan, ang tanong ano ba ang mas mabigat na kasalanan ang pagbibiro o ang may pruweba o may ibedensiya?

Tutal ang nais ng mga Pasigueno Ka Usapang HAUZ ay itanong kay Mayor Vico Sotto kung alin ba ang mas mabigat na kasalanan ang may ibedensiya o ang magbiro?

Ang liwanag mayor Vico na sinabi ni Councilor Angelu De Leon “bawal ang bastos sa Pasig.”
Eh bakit hanggang sa ngayon ay nasa poder mo pa ang dalawang bastos este lima pala na tumatakbong konsehal sila ay kung tawagin ng Pasigueno ay sina “Boy Tikol”.

Eto pa Mayor Vico at Councilor De Leon kung bawal pala ang bastos sa Pasig, eh bakit hindi nyo tingnan ang inyong bakuran upang malaman din ng taumbayan partikular na ng mga Pasigueño na 5 pala sa mga kasamahan
nito ay numero unong bastos at mapagsamantala sa kahinaan ng mga kababaihan.



Para sa kaalaman mo Mayor Vico may video ang nag-viral din at pinag piyestahan ng mga Pasigueno, take note mayor ito ay hindi joke,
kundi tutuong sex video ng di-umano’y isang sitting councilor, dalawang aspiring councilor noon.

Mukhang hindi intresado si yorme kaya eto ang kuwento itong isang di-umano’y manyak na isa pang sitting councilor ang unang tumira sa isang prosti at pagkatapos ay ikinuwento sa mga kasamahan at ito namang mga manyakis din ay sinubukan. Ayan mayor ha tanong tanong din pag may time?

Eto pa ang kuwento mayor ang siste ay hindi umano aktuwal na nakipagsiping ang mga ito kundi nakipag video sex lamang kung saan magbabayad muna sila ng deposit at pagkatapos ay magbabayad ng balance pagkatapos na makaraos, wow na wow diba?

Heto ang masaklap. Matapos makaraos ang mga damuhong manyakis ay bin-lock nila ang
babae para hindi na saila makontak dahil hindi pala ito nagbayad ng balanse.
Lingid sa kaalaman ng mga damuho, nirekord pala ni prosti ang buong sesyon at sa sobrang galit ay inilabas nito ang nasabing mga video.

Huwag na natin pang pakahabaan mga Ka Usapang HAUZ at atin ng I shortcut maliban pala sa mga grupong Boy Tikol ay may isa pang ka grupo ni Mayor Vico ang inereklamo ng isang single mom na matapos pangakuan ng maginhawang buhay at pagsunod sa apelyido ay dedma na matapos na ma-anakan.

Ayan Mayor Vico Sotto siguro naman ay siguradong aaksiyunan mo ang mga ginawang pambabastos ng iyong mga ka grupo sa mga kababaihan, at kung sakali na ngayon lang nakarating sa iyong kaalaman ang mga pangyayari ay nararapat na magimbestiga ka nang sa gayon ay hindi ka tawaging konsintidor. Kunsintidor ka nga ba Mayor? Nagtatanong lang po.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036