Advertisers

Advertisers

NU vs UST sa UAAP men’s tennis finals

0 9

Advertisers

PINATALSIK ng second seed National University ang N0.3 University of the Philippines, 3-1, Linggo para marating ang finals ng UAAP Season 87 men’s tennis sa Felicisimo Ampon Tennis Center sa Malate, Manila.

Makakaharap ng NU ang three -peat seeking University of Santo Tomas sa best-of-three title series simula alas 2 ng hapon sa Miyerkules.

Nakamit ng UST ang first men’s finals berth matapos idispatsa ang University of the East, 4-1, Sabado.



Naitakda ng UP ang decider matapos ang nakamamanghang NU,3-2, sa semis opener.

Sa preliminaries, Pinadapa ng NU ang UST,3-2 sa first round,habang nagwagi ang UST,, 4-1, sa second round.

Naungusan ni NU’s Andrei Padao si Aslan Carbonilla 6-0, 6-0, sa opening singles, matapos itakda ang 6-3, 6-0 wagi laban kay Jules Lazaro.

Pinadapa nina Angil Balaoing at Christian Padilla sina Raymond Goco at Lance Fernandez, 6(5)-7, 6-4, 10-5, para ilagay ang Bulldogs sa unahan, 2-1.

Sinilyuhan ni Team captain EJ Tugade ang panalo ng UST sa iskor na 7-6(9), 4-6, 6-3 wagi kontra Migs Iglupas sa third singles.