Advertisers
NASUNGKIT ng Far Eastern University ang unang selya sa UAAP Season 87 men’s volleyball tournament matapos wasakin ang University of the Philippines sa five-set thriller, 25-19, 25-21, 20-25, 29-31, 15-12, Linggo sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Dryx Saavedra umiskor ng 29 points para sa Tamaraws na nanateli sa tuktok ng standings na 10-1 rekord, tampok ang kanilang sixth straight Final Four appearance at 12th consecutive win laban sa UP.
Mikko Espartero nagdeliver ng 16 points on 12 attacks,three blocks at one ace, habang Lirick Mendoza at Congolese middle blocker Doula Ndongala nagdagdag ng tig-15 puntos para sa FEU, na makakatagpo ang Ateneo de Manila University sa Abril 9, sa Philsports Arena sa Pasig.
Pinuri ni FEU head coach Eddieson Orcullo ang kanyang team’s composure.
“The team’s connection was great [in the fifth set]. UP had a lead for a while. I think it only separated at the end. The best part of what happened to us is that we were ready for whatever situation came and the love for each other was there,” Wika ni Orcullo pagkatapos ng dalawang oras at 30-minutong aksyon.
Olayemi Raheem umiskor ng 25 points habang si rookie Tommy Castrodes nagdagdag ng 17 points para sa Fighting Maroons, na natanggal sa semifinal race na may 3-8 slate.
Susunod na makaharap ng UP ang De La Salle University sa Abril 13.
Sa unang laro, Tinalo ng defending champion National University ang Adamson University,25-17, 25-16, 25-15, para manateli sa second place na may 9-2 rekord.
Michaelo Buddin umiskor ng 16 points, habang si Leo Aringo nagdagdag ng 12 points, 12 excellent receptions, at five digs para sa NU.