Advertisers

Advertisers

‘DI PAGSUNOD SA SUSPENSYON NI INFANTA MAYOR GRACE AMERICA, PINUNA NI DILG SEC. REMULLA!

0 20

Advertisers

PINUNA ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang di pagsunod sa 90 araw na suspensyon ni Infanta Mayor Grace America.

Sa kabila umano ng suspensyon na inilabasynoong Enero 10 ng Sangguniang Palalawigan ay patuloy na umaakto ang suspekdidpng mayor bilang alkade.

Sa isang liham mula kay DILG Secretary Remulla na may petsang Abril 4, 2025, ipinahayag na base sa ulat ng DILG Quezon Provincial Office, patuloy pa rin sa pagganap ng kanyang tungkulin si Mayor America sa kabila ng 90-araw na suspensyon.



Binigyang-diin din sa liham ang naunang pahayag ni DILG Regional Director Ariel Iglesia na ang naturang desisyon ay “agad na maisasakatuparan” kahit ito ay hindi pa pinal.

Ayon sa Seksyon 46 ng Local Government Code, ang bise-alkalde ang awtomatikong hahalili sa mga tungkulin ng punong bayan habang ito ay suspendido.

Pinaalalahanan ni Sec. Remulla si Mayor America na sundin ang umiiral na kautusan at hayaan ang Bise-Alkalde na gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang pansamantalang pinuno ng bayan.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Mayor America ukol sa isyung ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">