Advertisers

Advertisers

APAT MIYEMBRO NG PAMILYA, ‘NALITSON’ NG BUHAY SA LAS PIÑAS

0 14

Advertisers

APAT katao ang nasawi makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City kaninang madaling araw, Lunes

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR). Sila ay miyembro ng iisang pamilya — ama, ina, at kanilang dalawang anak na may edad 17 at tatlong taong gulang.

Sa ulat ng BFP, nasa ikalawang palapag ang pamilya nang gumuho ang mezzanine sa gitna ng sunog Kung saan nagsimula ang sunog bandang 1:20 a.m. at umabot sa unang alarma bandang 1:41 a.m.



Nabatid na hindi bababa sa apat na trak ng bumbero ang rumesponde upang apulahin ang apoy sa bahay na matatagpuan sa loob ng isang makipot na eskinita.

Idineklarang fire out ang sunog dakong 2:37 a.m. Tinitingnan ng mga awtoridad ang faulty electrical wiring o overheating ng appliance bilang posibleng dahilan ng sunog.

Tinataya ng BFP na aabot sa P600,000 ang halaga ng pinsala sa sunog. (JOJO SADIWA)