Advertisers

Advertisers

ANNE BUMALIK LANG NG MANILA PARA SA ABS-CBN BALL; MARK AYAW NA PATULAN ANG CHEAP NA ISYU KAY JOJO

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

LUMIPAD pa-Manila si Anne Curtis para lang um-attend ng ABS-CBN Ball 2025 na ginanap sa Solaire North nitong Biyernes ng gabi, April 4.

After ng Ball ay balik agad si Anne kung saan siya nanggaling para sa shoot ng K-drama Pinoy adaptation na “It’s Okay To Not Be Okay.”



Para sa aktres, ayaw niyang ma-miss ang ABS-CBN Ball 2025.

Aniya, “Aside from the glitz and glam there’s a bigger purpose behind this ball right? So I really want to be part of it. There’s so much meaning and of course there’s so much more behind it than just being be beautiful and glamorous,” wika ni Anne, who wore a Nicole + Felicia creation.

“I want to be part of it to support the Kapamilya and ABS-CBN Foundation,” dagdag pa niya.

***

HEART AT ANGELICA NOSTALGIC ANG PAGKIKITA



NAGKITA sina Heart Evangelista at Angelica Panganiban sa ABS-CBN Ball 2025.

Viral ang pagkikita ng dalawang aktres dahil ang tagal nilang humulagpos sa kanilang mahigpit na yakapan.

Ang daming celebrities ang matuwa sa

sweet reunion nina Angge at Heart sa nostalgic na pagkikita ng dalawa.

Agad na ni-repost ng kanilang fans ang touching moment, making it one of the most talked-about highlights of the night, with some asking for a reunion or a collaboration between the two.

Angelica looked radiant in a soft green gown that exuded freshness and elegance, while Heart captivated everyone with her stunning royal blue gown, embodying sophistication and class.

“A sweet reunion,” nilagay nilang caption.

Sina Angge at Heart ay nagkatrabaho nung ang huli ay nasa Kapamilya network pa.

***

NAHINGAN ng pahayag ni Ogie Diaz si Mark Herras ukol sa mga akusasyon sa kanya ni Jojo Mendrez.

Kamakailan ay nagsampa ng kaso si Jojo laban kay Mark dahil sa mga pagbabanta umano nito sa kanya.

Mariing pinabulaanan ni Mark ang akusasyon at sinabing hindi niya ugaling manira ng kapwa.

Sinabi ng aktor na mas marami siyang dapat na pagkaabalahan kaysa sa sinasabing isyu.

Aniya, “[Hahahaha] W*F! Pakisabi Mama OGs, sobrang kailangan ba nila gumawa ng ingay para sa mga career nila? Wala akong panahon sa mga walang kwentang content nila. Please lang. Jusko! Tatanda na nila, Isip-isip naman ng ibang content,” ayon kay Mark sa ipinadalang mensahe nito kay Ogie D.

Minsan nang naglabas ng pahayag si Mark ukol sa umano’y pananakot umanong ginagawa raw niya kay Jojo.

“Okay lang naman yan and pasabi na lang po na mas marami diyan na di hamak na mas sikat sa’kin kasi ako naman hindi talaga. Gagawa nalang ng issue yung halatang katarantaduhan pa. Unang una, d ko ugali manakot ng tao kahit gawan ako ng issue or what. ‘Di ko ugali ‘yan. I’d rather give my time and energy sa pamilya o kaya naman sa work/raket.”

“Sorry I’m the wrong guy para isama niyo or gawan niyo ng issue kasi ‘di ko kayo papatulan. [haha] At isa sa mga kasabihan nga e, “always be a better person” so yeah, salamat. Enjoy whatever you guys are doing. Madami akong ginagawa / personal work related. This will be the last time na sasagot ako sa issue. Lol Thank you!” ani Mark.