Advertisers

Advertisers

Ang Susunod sa Yapak ni Isko Moreno, Joaquin Domagoso!

0 89

Advertisers

Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga Maynila na isa si “Yorme” Isko Moreno Domagoso sa pinakamahusay na naging alkalde ng Kapitolyo ng bansa. Dahil sa kanyang husay at dami ng naipagawang mga imprastraktura at mga serbisyong totoong nakatutulong sa mga taga Maynila ay talaga namang minahal siya ng mga Manileño.

Tulad ni Isko Moreno Domagoso, iisa ang mithiin ng aspirante bilang Konsehal na si Joaquin Domagoso. Nais niyang ipagpatuloy, palawigin, at kung kakayanin ay higitan pa ang nagawa ng kanyang ama. Sa murang edad, si Joaquin Domagoso ay namulat na sa serbisyo publiko. Kanyang nasaksihan kung paano mahalin at pagsilbihan ng kanyang ama ang Lungsod ng Maynila. Dahil rito, nag-alab ang hangarin ni Joaquin Domagoso na pagsilbihan rin ang lungsod. Sa kanyang pag-iikot sa unang distrito ng Maynila ay kitang-kita talaga ang pagmamahal at init ng pagtanggap ng mga tao sa kanilang mag ama—isang indikasyon kung gaano karami ang kanilang natulungan at isa ring manipestasyon ng pagmamahal sa  kanila ng mga Manileño.



Naninindigan si Joaquin Domagoso na sa kanyang pag upo bilang konsehal ay mga progresibong programa at polisiya ang kaniyang mga isusulong. Walang pipiliin, lahat pantay-pantay. Kaya naman, ang sigaw ng mga batang Maynila, “Tungo sa Progresibong Tondo, kay Joaquin Domagoso tayo!”