Advertisers
PAMPANGA – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Drug Enforcement Unit via Buy Bust Operation ang anim(6)katao na kabilang ang dalawang babae na kasama sa High Value Targets ng mga awtoridad sa Brgy, Lourdes sa bayan ng Lubao.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director-3 BGen.Jean S. Fajardo kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Rick 45, drug den maintainer; alyas Son, 41; alyas Jack,34; alyas Tintin, 18; alyas Rey, 18; at alyas Ai-Ai, 38-anyos,
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 4 na plastic sachet ng shabu na may 10 gramo na nagkakahalaga ng P68,000.00, assorted drug parahernalia, at buy-bust money.
Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of of 2002.(Thony D.Arcenal)