Advertisers
Patay ang 17-anyos na estudyante at dalawa nitong mga batang kapatid na magkaangkas sa motorsiklong naaksidente sa madilim na bahagi ng highway sa Barangay Kiyaab sa Antipas, Cotabato noong Sabado ng gabi, April 5, 2025.
Kinumpirma nitong Lunes ng mga local government officials at mga imbestigador ng Antipas Municipal Police Station ang pagkasawi sa naturang aksidente ng tatlong magkapatid na isang isang limang-taong gulang na bata, isang Grade 1 pupil at 17-anyos na kuya na siyang nagmamaneho ng motorsiklong pag-aari ng kanilang pamilya.
Sa ulat, pauwi na ang mga biktima sa kanilang tahanan mula sa kung saan ng biglang lumihis ang kanilang motorsiklo at bumangga sa isang concrete roadside anti-soil erosion wall.
Agad na namatay ang mga magkakapatid dahil sa mga sugat at mga pasa sa katawan sanhi ng aksidente.
Nangako ang mga municipal officials ng Antipas ng tulong sa pagpapalibing sa tatlong magkapatid na mga menor-de-edad.