Advertisers

Advertisers

200 bagong sasakyan nilamon ng apoy

0 11

Advertisers

Natupok ang tinatayang 200 brand new na sasakyan sa sunog na sumiklab sa isang industrial park sa Batangas.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog 1:19 ng hapon sa Barangay Pagaspas, Tanauan City nitong Abril 6.

Posibleng nagsimulang umano ang apoy sa stockyard ng isang food manufacturing company dahil sa kemikal na spent bleaching earth (SBE), isang flammable na by-product ng oil refining, ayon kay Batangas provincial fire marshal F/Sr.Supt. Dennis Molo.



Aniya, kusang nagliyab ang SBE dahil sa init ng panahon at kumalat naman ang apoy sa isang logistics company kung saan naka-park sa open space ang mahigit 1,000 sasakyan.

Hindi naman umano naapektuhan ang loob ngj warehouse at walang naiulat na nasaktan sa insidente.