Advertisers

Advertisers

Vilma tinawag na laos ng kalaban sa pagka-gobernador; Daniel pinaghahandaan na ng fans ang b-day

0 32

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA isang sortie ng katunggali ni Vilma Santos sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Lipa City na si Jay Manalo Ilagan, nagsabi siya ng, “Kung ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo, pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos lang na laos na, ha! Hindi ako takot!”

So pinalalabas ni Jay, na kung si Kathryn ang halimbawang makakalaban niya sa gubernatorial race ay matatakot siya rito dahil sikat ito, at kay ate Vi nga ay hindi siya kinakabahan o natatakot dahil aniya, wala nang ningning ang career nito.



Nakarating na pala kay ate Vi ang patutsada na ito sa kanya ni Jay.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Ate Vi para kanyang vlog, nagbigay ng reaksyon ang award-winning actress.

Sabi ni ate Vi,”Yung mga ganyan sa pulitika, more than 30 years ay hindi ko na masyadong pinapansin ang ganyan na sinabihan ako ng, ‘si Vilma Santos hindi ako takot d’yan, laos na ‘yan.’

“Nasa isip ko lang, ano kaya nasa utak ng taong ito? Bahala na siya. We are here to serve, at tao ang magde-desisyon. Now, kung ganyan ang takbo ng utak niya, siya na ang may responsibilidad niyan hindi kami.”

Well, naniniwala kami na hindi pa laos ang isang Vilma Santos. Sikat na sikat pa rin siya. Katibayan na nga ay may mga dumarating pa rin na offer sa kanya sa pelikula at kumikita pa rin ang mga peikulang ginagawa niya, gaya ng Uninvited na ipinalabas last year.



At sa darating na eleksyon. naniniwala kami na manananalo si ate Vi. Mahal siya ng Batangueno, kaya siguradong sa kanya ang boto ng mga ito.

***

NAKAKATUWA ang mga tagahanga ni Daniel Padilla. May kanya-kanya silang pasabog na makabuluhang events para sa nalalapit na kaarawan ng aktor sa April 26.

Ngayong birthday month ni Daniel, kanya-kanya silang paandar o pabonggahan ng mga events, na siyempre ay pupuntahan ng aktor.

May pa-children’s party sa mga orphanage, pati na rin sa mga temporary home ng mga batang may sakit.

Mayroon din silang pa-party sa mga center kung saan naninirahan ang mga nakakatanda. May mga outreach program din para matulungan ang mga less fortunate nating kababayan.

At dahil kilalang fur parent si DJ, may mga tulong din sila sa abandoned and rescued dogs and cats.

Kung matatandaan, nagpatayo pa si Daniel ng isang animal shelter sa Arayat, Pampanga noong mismong birthday niya last year. Ganoon magmahal si Daniel sa mga hayup.